Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
May sanggol na buhat-buhat ng isang babae Naka teletubbies na T shirt Maikli ang buhok, maputi ang mukha Mataba ang mga braso Ang dalawang anyo ay nakaupo Sa isang silid Nakangiti ang babae Ang sanggol ay nakatingin sa kawalan Buka ang bibig ngunit Walang boses na lumalabas Ano ang kanilang patutunguhan? Alam ko kung saan. Ano ang kanilang mga kasalanan? Alam ko kung ano. Ano ang kanilang mga pangalan? Alam ko kung ano. May masamang pakiramdam Sa aking dibdib Sa pagitan ng mga nangyari At maaring mangyari Hindi ko maalis ang aking tingin Kahit na ako'y nasasaktan Kahit na gusto kong mawala Inosenteng bata Inosenteng bata Ano nangyari sa iyong pagka-inosente? Bakit ka lumaki? Bakit ka nagkasala? Bakit mo iniwan ang iyong panginoon? Bakit hindi ka pa magpatiwakal? Bata, madami kang pagdadaanan Naaawa ako sa iyo Mabuti at nakayanan mo Ngumiti ka, umiyak ka Ligtas ka dito Hindi kita pababayaan Naaawa ako sa iyo Itinago ko ang letrato Masyado nang ginugulo ang aking isipan Theodora, wala kang kasalanan. Theodora, wala kang kasalanan.
0
Oct 13, 2021
Oct 13, 2021 at 1:49 AM UTC
Letrato

Written by
27/M/Philippines
Oct 13, 2021
Oct 13, 2021 at 1:49 AM UTC
Request permission to use this poem