Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#05222021 Hindi ko mapigilan ang himig na humihele kasabay ng Iyong tinig. Kumakatok ang Iyong presensya sa puso kong walang laman kundi ang pagkauhaw -- Nauuhaw buhat sa mundong mapagbalatkayo. Sa mundong sapat na ang musika ng mga palamuting may hangganan. Sa aking pagpikit ay umuusad ang Iyong mga pangungusap, Bagamat walang tinig sa paligid Ay namumuo pa rin ang habilin **** tangay ng hangin. Maging mga kulisap ay walang naggawa't nanahimik na lamang. Batid ko ang Iyong alok na ako'y tuluyang lumapit sa Iyong paanan, Ang trono **** ni minsa'y hindi pa nasilayan Bagkus hanap-hanap ng puso kong pagal sa paghihintay. At kung ito ma'y panaginip, hayaan **** ako'y manatili. Kinabig ko nang saglit ang parteng kaliwa ng aking dibdib, Baka sakaling ang sarili'y natuluyan nang mahiwalay sa aking katawan. At baka ako'y hinagip na rin kung saanmang lupalop -- Kung saan sa Iyong presensya'y mananatili akong akap. Nais ko pa ring abutin ang pangarap **** inilaan Ang sinasabi nilang imposible Bagkus Sayo'y natagpuan ko ang katuturan. Ang hiwaga na hindi maipaliwanag, Ang hiwaga na tanging Sayo lamang nahanap. Sa bawat pahinang hindi ko kayang tapusing maisulat Ay nais kong habiin ang aking nararamdaman, Itong pakiramdam na hindi ko masukat; Pagkat Ikaw ang aking Pahinga, Sayo ang paghinga.
0
May 24, 2021
May 24, 2021 at 11:49 PM UTC
Handa, Tula, Awit

psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
May 24, 2021
May 24, 2021 at 11:49 PM UTC
Request permission to use this poem