Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
haringibon
23/M/Antique
Sa iyong mukha ako'y natutulala Ganda mo ay nagniningning na tala Namumulang labi' t  manipis na  pisngi Mala - porselanang balat kayumanggi Mata ay malalim, puno ng hinala Sa 'kin, bakit ramdam ang pang uusisa Namumugto minsan sa yaong sandali Iniwanan nang walang pag-atubili Ng sinta mo na inakalang simula Ng iyong pag-iibigan nang makalaya Sa baryo natin, tigib ng bisyo' t tili Ng mga tao na di magkamayaw lagi Mga kapitbahay natin ay nagmumura Mga tungayaw lagi ang sinasambitla Ngunit ikaw ay palihim nagsisisi Sa  luha **** malinaw na nagkamali Sinisimsim ang habag na dinadala ng hangin sa iyong maamong itsura Dilag ka na pinupuri ng marami Bakit mapusyaw ang ngalirang mga labi At ang una mo na pagkakakilala Sa akin ay hindi ganoong kasama Ngunit matampuhin ka at naninisi Sa aking maliit na pagkakamali Kaibigan ang turing  sa isa't isa Bakit nagagalit pag kausap iba Sa di pagkakaunwaa' y titili Ganun ba talaga pag minsan nasawi?
0
Jun 4, 2020
Jun 4, 2020 at 12:16 AM UTC
Kwento ng Pag-ibig
Malamig na ang hangin Na dumadampi sa pisngi Ang usok na umiimbulog Sa langit Ay lumalamlam na sa paningin Ang tunog ng mga instrumentong pansaliw Sa tula na ginawang awit Ay di na naririnig Ang pagkalugami sa nakaraan, Ang bakas ng kahirapan Ay di na nagpapaligalig, Nagpapasimangot nang magunita sa sandali Kung noon sa bawat araw ay masigasig, Sa kinabukasa'y nananabik Di na ngayon Sapagkat sa dapithapon nahuhumaling Ang nagpupuyos na liwanag Sa dakong silangan Na dati'y mainam pagmasdan Ay nakakasilaw Ang takipsilim sumisimbolo ng kalumbayan Ay isa na na tanawin Para sa kagalakan ng kaluluwa Ang unos at karimlan Pag nasa luklukan Ay isa lamang pangkaraniwan Pag may lampara Na hindi ka iiwan
0
May 25, 2020
May 25, 2020 at 11:41 PM UTC
Lampara
Sa ulan naligo nang nagagalak Bawat patak sa pisngi ay parang biyayang inihahatid At sa sandaling paghinto ay ang pagbabalik Paggugunita sa mga araw ng paggiliw Noong kami pa ay parang langit Ulap sa paa ko' t bituin sa panaginip Walang gabi na tahimik Sapagkat parating may malamyos na awit Ang pakiramdam ko sa panganorin Walang hanggan-kataasaan ay di malirip Ngunit unti-unting nawawari Kalangitan ay isa lamang bahagi Kung ituturing ay isangpanig-ibig Pagkat ang pag-irog ay ganap na pagmamartir Tinakasan na nakalupasay sa pananabik Ang sinta ko sa iba kumapit Naaalala pa nang nakadantay ang kanyang binti Sa hita ko' t sabay ng masuyong paghalik Yakap niya sa akin ay napakahigpit Ngayon bakit kay dali lang sa kanya ako' y ipagpalit Binigyan man ng malapad na bagwis Ang bawat wasiwas naman ay dulot pighati' t Nagpapahiwatig ng pamamaalam na nalalapit Isang beses lang lumipad, sampung ulit ang hilahil Tinuring na reyna sa kahariang panaginip Kahit na inaalila niya' t inaalipin Para sa akin isa siyang prinsesa na handang isagip Sa mababangis na lobo' t mga tigreng sakim Kung maparool man ay hindi itatanggi Na minamahal siya' t itinatangi Mapalayo man sa pamilya' t kaibigan siya pa rin ang pipiliin Namumukod tangi siya, walang kahulilip Huli na nang malaman ang ibig Ako' y pala kasangkapan lang sa kanyang ninanais At upang sa isang tao' y mapalapit Ginawa niya akong tulay - pantawid Ano mangyayari sa pakikipagsapalaran sa pag-ibig Tiyak na maluluray, at dadaing Dahil sa antak na di naiibsan at naaalis Duro sa puso' t wasak na damdamin Nararamdaman ang masidhing lunggati Na sinilsilyaban sa tuwing ako' y nilalambing Nasang na sana ay laging magkapiling Dumadarang na nakatiwangwang di mailihim Larawan niya' y kinikimkim Tampalasang kataksilan nailimbag sa isip Sa mapanlinlang na anyo ng bahaghari Hubog nito' y lumbay hindi aliw Hanap-hanap pa rin ang silay ng giliw Masasadlak man sa landas muli ng pag-ibig Kung may pagkakataon ay aking hihilingin Saktan niya sana ako, isa pa at siya' y mamahalin
0
Apr 10, 2020
Apr 10, 2020 at 2:56 AM UTC
Danyos ng Pag-ibig

Continue reading...
52
Sa ngalang makahiya ay nawawari Palaging nag-iisa at nangingimi Daho'y tumitikom kapag nasasagi Kahiman sa patak ng ulan sa gabi ay tila may alerhiya't pangangati Di nababatid kung mayro'ng ipagsabi Dalawin ng hangi'y siya rin magtimpi Sinanay na pumipinid ang sarili Kaya lubhang masukal maiintindi Nakikitang walang pahayag 't lunggati Sa banayad na sanggi'y humahapdi Ang buong tangkay ay parang nababali Sinadya na labis ang sanggalang dagli Sapagkat takot na mahipo parati At sa kinabukasa'y bubuka muli Matampuhing halamang namamalagi Sa diwa'y natigalgal nang kumukubli Anong alamat 't pinanggalingang uri Bakit ang iba ay ayaw kumandili Sa lalang ng D'yos nasasaktan sa anggi Lapain man ng pantas ang mga bahagi Ay di matalos kung bakit tumutupi Ang kaganapan ng agham 'y lumalapi Sa pagkagulumihanan ng pagsuri Guwang sa bahay ng dunong nanatili Yaon taglay na mga tinik ay mumunti Madalas nagagambala't inaapi Ng mapangahas na palad at daliri Dahil sa tingi'y manunusok ang gawi Tinuring kapintasa'y ikinamuhi Kung hahawaka'y nangungulubot dali Umuurong ang awra kahit tanghali Duwag sa damdamin - puro atubili Nagbabantulot ang kilos at ugali Balasik na katangia'y itinanggi
0
Jan 31, 2020
Jan 31, 2020 at 6:24 PM UTC
Makahiyang pag-ibig
Sa kanyang himig ako'y nahahalina Magkasintunog ng mga ibong malaya Umiindayog sa puso ko't pagsinta Misteryosong dilag, sino s'ya talaga? Sa tuwing napapanood 'y anong ganda Mata'y matimyas na tala sa umaga Tanglaw sa daigdig na puno ng hiwaga Liwanag sa bukang liwayway 't hiraya Manipis ang labing kakulay 'y makopa Malamyos ang tunog ng bawat salita Halik ng anghel ang dapyo ng hininga Halimuyak ay buhay, di nawawala Kahit panlalaki ang gayak at porma Na kanyang ginampanan sa prima donna Munting lawiswis na lupaypay 't mahina Nang lumaki'y diwata sa encantadia Ang isip ko ay kinabig 't kinawawa Ginapos nang mahigpit ng kanyang drama Madalas ay namumugto ang mga mata Kapag nasisilayan s'yang lumuluha Huwag sana pabugso bugso't pabigla Ang tibo niyang pangungusap at banta Sapagkat nababagha't natutulala Damdami'y pinamumugaran ng kaba Sa kumpas ng mga kamay ay humahanga Isang paraluman na ang kiyas 'y siga Hudlum sa kanto na mahal ang pamilya Pinakamatapang na lahing Claveria Sa likod ng pagganap ano nga ba s'ya? Sapantaha ko ay magalang na bata Binibini at dalagang Filipina May puring Perlas ng Silangan ng Asya Lingid sa kamalayan nang napahanga Sa kanyang angking galing bilang artista Dagdag pa ang sayaw n'yang mala-prinsesa Sa makabagong tinikling, siya'y reyna Araw 'y nakahilig sa katanyagan n'ya Harap 'y pangarap na sinasalubong pa Hiyas s'ya sa mundo na walang kapara, Kumikinang at nagbibigay pag-asa
0
Jan 4, 2020
Jan 4, 2020 at 11:09 PM UTC
Altheyah Ablan
Humahagibis ang hangin sa dalampasigan Kaya ang mga dahon nagsisipagaspasan At kung tumila ang simoy ng Amihan Alaala'y bumabalik nang walang pakundangan Mahamog na ang kapaligiran Malamig na rin ang kaparangan Sa pagtaas ng alon sa aplaya Ay sumasabay ang pagbubuntong - hininga May saliw ang karoling Himig ng pasko'y umaadya sa damdamin Ngunit pansamantala ang dulot na aliw Sa maghapong pangunguyumpis Hindi na bumubuka ang bulaklak Ng itinanim kong Rosas Hindi na gaano maliwanag ang kislap ng tala Dahil ba sa hukluban na't yumuyukod O nasisiphayo ng pag-ibig Ang pangakong hindi maghihiwalay ay kanyang tinalikdan Ngayon nag-iisa na humihimlay Kasama ang yakap ng lumbay Hindi ko kailangan na manimdim Sapagkat tunay at wagas siyang inibig Bakit taliwas ang bawat wakas At maunsiyami sa mga hiraya Saan-saan na lang ibinaling ang paningin At iniba ang hilig Ngunit sa paghinto ng paghalakhak Hindi ko maiwasan ang umiyak Nalugami sa pagmamahal At kung mabuksan muli ang puso Malaman niya sana na siya ang dahilan Ng paghibik sa pasko
0
Dec 19, 2019
Dec 19, 2019 at 11:43 PM UTC
Paghibik sa Pasko
Kay sarap ng buhay Sa matimyas na bukang-liwayway May gintong kumikinang Kasabay ng liwanag ng araw Kay gaan bumangon Aligaga sa sandali Na makita ang natatanging Mata niya't mga labi Ang lunggati sa mga alapaap Panganorin ay maabot Nang sunggaban ang mga bituin Para sa tulad niya - siya ang hiling Bago pa ang dapit-hapon Ang takipsilim na inaabangan May pinapangarap na sa kinabukasan At panaginip na mapapanaginipan Sa pagpikit ng mata Ay nakahilata sa paraiso Itinuturing katotohanan Ang panaginip Ang tanghaling hiraya ay pangyayaring hihintin Hinga ng anghel Ang dapyo ng hangin Luha ng kaligayahan Sa pagpupunyagi sa karalitaan Walang tumitagatig Sa gitna ng kawalan Noong ako'y umiibig Ang ngiti ay walang-hanggan
0
Dec 3, 2019
Dec 3, 2019 at 5:39 PM UTC
Nong Ako ay Umiibig
Kung nararamdaman mo aking mahal Masayahin ako't malaya Sa ating pagsasama Wala na ibang iniisip pa Kung mangyari magawi sa bahay At makita mo ang aking talaarawan Mababasa mo na walang ibang nagaganap na wala ang iyong pangalan Kung naaalala mo pa sinta Sabay tayong sumisimba At kung narinig ang pabulong kong panalangin Ay tiyak nalaman mo na sobra kitang ginigiliw Kung buo pa sa isip mo Noong sa paaralan pa tayo Madali akong manibugho Dahil ganyan talaga ako Ikaw ang unang inibig At wala na pagkatapos mo Kaya sa susunod pang buhay Ikaw pa rin ang susuyuin ko Kung malalaman mo na kahit ika'y sa ibang mundo Ang dahilan kung bakit sinusulat ko ito Magiging masaya ka na't hindi na mananabik Ang binili kong lubid Ang tali kong napakahigpit Walang luhang dadausdos sa aking pisngi Sapagkat nakikita na kita na lumalapit Payapa at nabibingi ang nararamdaman sa paligid
0
Nov 2, 2019
Nov 2, 2019 at 2:20 AM UTC
Buhay at Patay
Unti-unting naghahari ang dilim Sa sulok ng lumang kamalig Isang papel at lapis na hinahawakan nang mahigpit At ang buwan ay sumisilong Sa anino ng mundo Batbat ng bituin ang langit Sa bulag na panganoorin May galak na maiguguhit Sa kapintasan ng tinta Ang saysay ng buhay malilirip Sa kumukutitap na lampara Lahat ay nakapiring Habang sa luklukan ang gabi Nalilingid ang katotohanan Ngunit maaaring isulat ng pipi Luluha ang birhen Sa awit ng mga pipit Ang pagsasalaysay sa buhay Ay kapana kapanabik Kung may hirap at pasakit Ngunit hanggang kailan ang pagtitiis sa lumulubog na kapalaran Umaaninag sa pawid at Sa mukhang nagugululumihanan Lumilipas ang sandali nang marahan Mahirap suyuin ang hangin Hindi madali ang mabuhay Magpatangay sana upang makalaya gaya ng lumulutang na saranggola sa habag ng gabi't tala
0
Oct 26, 2019
Oct 26, 2019 at 6:10 AM UTC
Saranggola sa Hating gabi
Dinggin ninyo Ang pag-ibig ay mapanibughuin Ayaw may kahati Ni ayaw magpasaling Ang pinangakuang kamay lang ang dapat tumangan Kapag may ibang humawak Ay mangyayari ang tunggalian Ito'y maramot - di mapagbigay Sa tulaling kabiyak niyang laging nakaugnay At ang takbo ng oras sa kanila ay mabagal Nararamdaman ng bulag Nauunawaan ng pipi Umaalingawngaw sa tenga ng bingi Walang kapansanan Walang dahilan sa hindi pagganap Ngunit nang minsan natanaw Na may ibang kalaguyo Nagunaw ang mundo Dahil lubos ang tampo
0
Oct 4, 2019
Oct 4, 2019 at 11:50 PM UTC
Ang pag-ibig Ang Panibugho