Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sa lamig ng hanging sumisipol sa gabi Init ng iyong mga yakap ang iniisip Sa mga umagang nasisikatan ng araw Bakas ng iyong mga yapos ang hinahanap Labis-labis kitang hinahanap Ang lambot ng iyong mga kamay Habang nakakapit sa akin Pilit hinihingi ng pusong nagdaramdam Panginoon, akin pong dalangin Magisnang muli hindi sa panaginip Ang kanyang mga matang nangugusap Ng kanyang matamis na pag-ibig saakin Akin pong hinihiling ng mataimtim Ang madama ang kanyang yakap na mahigpit At madampian ng kanya mga labi Na pumapayo sa puso kong nag-aamok Akin pong ipinagsusumamo Ang muling marinig ang kanyang tinig Ang boses na matamis pakinggan Na nagpapakalma sa aking damdamin Panginoon, akin pong hinihiling Ang mahagkan ang minamahal ko Ang nagkukulay ng buhay ko At ang pag-ibig kong matamis Sana'y ika'y mahagkan na muli Marinig ang iyong boses na nagpapasaya sa akin Makasama muli sa hirap at lungkot At magpasalamat sa mga biyaya at saya ng buhay Mahal ko, lagi ika'y nasa isip Kailanman, hindi ko ipapahamak Ang pag-ibig na ipinaglaban at hiningi Niluhuran at binuhusan ng luha Mahal ko, nasaan ka na? Sana'y magbalik ka na Sa mga bisig na hinahanap ka Sa pusong tahanan mo
0
Apr 3, 2020
Apr 3, 2020 at 3:44 PM UTC
Dalangin

I love you Sharmaine I miss you so much Praying for the end of this epidemic So that we can return to our normal lives I miss my home in your arms 🥺
LonelyBard
Written by
30/M/Philippines
Apr 3, 2020
Apr 3, 2020 at 3:44 PM UTC
Request permission to use this poem