Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Nakakatakot na ang mamuhay sa mundo ngayon. Ang nasa isipan ay baka kinabukasan, Hindi na makakabangon, walang kasiguraduhan. Laganap na ang mga nakakamatay na sakit, Mga sakit na walang lunas At kaunti lang ang nakakaligtas. Mayroon pa ring sakit sa lipunan Na hanggang ngayo'y hindi pa rin naaagapan. Ang hindi pagkakapantay-pantay, Kahirapan at kamang mangan. Dulot nito'y pagbagsak ng ating Inang Bayan. Lahat ay isinisisi sa gobyerno Kanilang buhay na sila mismo ang nagplano. Bakit ka gagawa ng isang bagay na sa huli ay iyong pagsisisihan? Hindi dahilan ang kahirapan Upang gumawa ng kasamaan. Dahil sa salot na sakit, Maraming nagtatanong kung "bakit" Panay ang pag-aalala Hindi na mapakali sa kanilang mga lungga. Utos ng pamahalaan ay binabalewala. Tahimik ang kalsada Walang sasakyang pumaparada Ang mga pamilihan ipinasara. Ang mga tao'y nagsisiwelga Dahil daw ito'y pang aabuso at hindi pagpapahalaga. Halos wala nang makitang tao sa mga bahay-sambahan Ani nila'y ayaw mahawaan. Naniniwala pa rin ako sa kasabihang, Kung ayaw, may dahilan Kung gusto'y, maraming pwedeng paraan. Tanong kaibigan, Bakit mo iiwan ang pagsamba? Bakit ka mangangamba? Ang Panginoong Diyos ang pinakamakapangyarihan Siya ang sagot sa lahat ng ating kabalisahan.
0
Mar 19, 2020
Mar 19, 2020 at 8:22 AM UTC
Sagot Sa Kabalisahan

Ang buong tiwala'y ibigay sa Panginoong Diyos na siya dapat nating pagkatiwalaan.
anjeralopez
Written by
F/Elyu, PH
Mar 19, 2020
Mar 19, 2020 at 8:22 AM UTC
Request permission to use this poem