Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ako ngayo'y nakatayo, naghihintay, hindi mapakali, buong puso'y nakaantabay. Sa pagbukas ng dalawang pinto sa dulo, sa hangganan, lahat ng tao, nakaabang, tayong dalawa'y magkahagkan. At sa wakas heto na nga, sa umaalon **** belo ako'y napahanga. Aking mga mata, patak ng luha'y di mapigilan, ngiti at galak ko'y walang mapaglagyan. Sa harap ng diyos, mahal, ako'y nangangako, parehong saya at hirap, tayong dalawa ang aako. Ikaw lamang at wala nang iba, Hanggang ang apoy ng buhay ay hindi na maglinga.
0
Dec 9, 2019
Dec 9, 2019 at 12:44 AM UTC
Belo

Inspired by an Instagram post
aimmannolasco
Written by
M/Philippines
Dec 9, 2019
Dec 9, 2019 at 12:44 AM UTC
Request permission to use this poem