Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Kapag nayapos mo na't Init ang nararamdaman Pagmamahal iyan na lubos At mapagbunyi -hiyas kang hinalibas sa karukhaan ng aking mundo Kahit naduhagi sa kapalaran Anong pagdiriwang kapag ika' y nasisilayan Kung maibabalik man ang ikalawang takipsilim Hindi na hahayaan na mawalay ka pa sa akin Sa balintataw ng buwan Hubad na pagsuyong walang Poot at panibughong kinikimkim Kung may luha sa mata ko Yun ay ang pagpawi sa pagkauhaw ng pag-ibig Kung namiminto na ang wakas ng panulaan Maipaliwanag sana nang pagkalinaw Na hangad kong sambitin na iniibig kang walang kahulilip O dessa ikaw ang nasa Winasak mo ang mundo ko't gumawa ng bago Kung saan ang araw katabi ng buwan At ang bawat paglubog ng araw ay may tanglaw sa kaitaasan
0
Sep 3, 2019
Sep 3, 2019 at 6:59 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #77

Written by
23/M/Antique
Sep 3, 2019
Sep 3, 2019 at 6:59 AM UTC
Request permission to use this poem