Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
KULAM Sa ilalim ng langit Takipsilim ay naglulundo sa katapusan Kung saan ang langit lumulutang sa dagat At ang buwan ay unti-unting nanalamin Ang dulo ng punyal Sa punyos ay ikukudlit Ang patak ng dugo Ay magkukulay, sa bawat salitang isasambit Mangyayari ang dinadasal Ang bulong ay ang nakakabinging lintik Na maguguhit sa kalangitan Ngunit hindi uulan Lupa'y mabibiyak Manginginig ang mga bato Naniningas na sulat Katagang itinuturing katotohanan Katuparan ang bawat letra Ang kahulugan nito'y hindi malulupi Lahat ay makapangyarihan Kahit nakakubli man sa kadiliman Isang hiwagang bumabalot Sa sandaling hiram Sa sugat ay kukuha ng lakas na maglulupig sa liwanag
0
Jun 19, 2019
Jun 19, 2019 at 8:22 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #69

Written by
23/M/Antique
Jun 19, 2019
Jun 19, 2019 at 8:22 AM UTC
Request permission to use this poem