Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Siya'y prinsesa na sa akin ay nag-iisa Ano'ng saya ko na'ng kami nga'y naging isa Ang puso'y umapaw sa ligalig at saya Sa araw na ang bilang ay labinisa Ngunit ikaw pala'y nakapako pa sa nakaraan At ang isipa'y tila yata siya pa rin ang laman Ipinipilit ko ang sarili kahit na ako'y nasasaktan Hiling na 'Mahal Kita' mula sa'yo ay marinig man lang Dumating ang araw na hindi ko nga maikakaila Ang saya at ligalig ay naparam na tila ba isang bula Sa iyo'ng mga sinabi ako'y nabigla at napatulala Sa sakit ay di ko na naramdaman ang pag-patak ng aking luha Nagwakas ang lahat sa loob ng araw na ang bilang ay tatlo Mas malubha pa sa sikat na awitin na umabot sa pito At ako nga'y naiwan sa tanong na 'bakit at ano?' "Bakit nagkaganito? Ano na ang gagawin ko?" Ikay ay nag-iisa'ng bagyo na tuluyang winasak ang puso ko Ngunit masasabi ko'ng ikaw ay aral din naman sa buhay ko Ngayon nga'y hinihiling ko'ng masaya ka sa bago mo At sana siya'y katulad ko na tapat at totoo.
0
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 2:33 PM UTC
Bilang Tatlo at Labinisa

pusang-tahimik
Written by
31/M/Quezon City, Philippines
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 2:33 PM UTC
Request permission to use this poem