Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Itinadhanang magkasintahan sa bituin walang puwang Ang kapasyahan ng isa't isa ang tanging magdudugtong upang mabuo ang konstelasyon Kasabay ng pagdiriwang ng Bagong Taon ng dayuhan Di magkatulad na kalendaryo Pebrero ba ang unang buwan? Unang pagtingin Pangako na ginagatungan ng tiwala Panghahawakan kung ano ang pinaniniwalaan maging ito'y kapalaluan man Ang simula ng panunuyo, paghintay ng kasagutan ay kapara ng bulaklak na sa unang tubo mahalimuyak Kung madaliin dahil sa nagaganyakan mabilis maupos ang umaalab na kapusukan Sapagkat iba ang nabigyan pagkatapos hiningi sa mga tinanggap na pawang biyaya Ganun din sa mga matiyaga gaya ng mga langgam Nagpapakahirap sa init ng araw at nagdanas ng kabagutan ng panahon bago nakamit ang kaginhawaan
0
Feb 8, 2019
Feb 8, 2019 at 8:11 AM UTC
Puso ng Pebrero II

Written by
23/M/Antique
Feb 8, 2019
Feb 8, 2019 at 8:11 AM UTC
Request permission to use this poem