Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ang matamis na lunggati Debosyon sa dapithapon Ang pagkurap ng liwanag na  kuyad-kuyad ay sinapupo ang emosyon Sa paglakad ng relo - bilog na mayroong guhit ng oras Gabing panaginip ay umimbulog Sa malamayang tanawin Naka sambalilo nang nanood Nang natawid ang gabi't araw Nasilayan ang bagong buhay Regalo ng Panginoon Sa bintana hinintay ang muling pag-ahon ng ilaw Sa pagtutungka na parang lango Wari'y gumapang sa kalawakan Pagawpaw ng pangarap Di maabot kahit sa panaginip man lang Nakasalubong si Dessa ngunit kagyat nang lumisan Ang kanyang mabuhaghag na buhok humahaba nang malubay, medyo pakulot Naniniwala kahit sa kalagimlagim na sandali Na ang mga nakaraan ay maalala muli
0
Jan 22, 2019
Jan 22, 2019 at 9:52 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #58

Written by
23/M/Antique
Jan 22, 2019
Jan 22, 2019 at 9:52 PM UTC
Request permission to use this poem