Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Saglit lang nakatulog nang naulinigan ang malakas na hilik Isa, dalawa, tatlo hanggang treinta na segundo na tahimik pagkatapos ay humagok Isa, dalawa, tatlo hanggang lampas sa isang minuto muli'y nadingig Gustong bumangon mula sa pagka-kalahating gising at tulog Ngunit parang may pumipigil Mga braso't binti ay pinapatungan ng sampung presyon at hulugbigat Dalawang minuto na mahigit Mapayapa na sa abang-aba na sandali Nang tuluyan na nagising ay humagibis para pukawin Walang hangin na sa ilong at bunganga niya'y lumalabas Hinanapan ng pulso habang tumatangis Kulay ube ang mga kuko, maputla ang kutis Ang birang na nalaglag sa loob ay isang papel Hindi na ikinaumagahan, pintakasi ng lagim ay nagpahudyat Kukunin ang laluluwa bago ang bukas Nag-aagaw buhay na ama'y kailangan ng adya at di nagawa Ulo'y nalungayngay Sarili'y sinisisi Buntunan ng sala ang kilos at gawa Kumukudlit-kudlit na ipinaparatang Kumakati-kati na ala-ala ay bumabagabag sa malabong konsensiya
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 7:23 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #51

Written by
23/M/Antique
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 7:23 PM UTC
Request permission to use this poem