Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Umaapaw ang puso ko Sa pagibig na alay mo Kalakip ng aking halik Sinulid ang ibinalik Aanhin ko ang sinulid? S'an ko ito isisilid? Bakit dulo lang ang hawak? Saan ang kabilang hatak? Ano ang nais **** itakda? Ikaw ba ay may iniakda? Aanhin ang sinulid? Tastas ba aking damit? Ako ba ay magtatahi? Seda ba ang ihahabi? Magluto nga'y di ko magawa Magtahi't humabi pa kaya? Sa aking pangungulit Sagot ang iyong hirit Sa iyong winika Ako'y napayapa "Sa tatahakin ng ating pagiibigan Tyak masalimuot ating pagdaraanan Agam agam ay pawiin Pagaalala ay hawiin ....Dahil ang dulo ng sinulid AKO ang may tangan"
0
Dec 31, 2018
Dec 31, 2018 at 10:36 AM UTC
SINULID

AgerMCab1970
Written by
48/Manila
Dec 31, 2018
Dec 31, 2018 at 10:36 AM UTC
Request permission to use this poem