Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#tulangfilipino
Gabi-gabi kitang pinapangarap aking mahal Sanhi marahil ng pusong kung umibig ay hangal Regalo ka ng tadhana, hindi naman pwedeng buksan Maamo **** muka sa diwa lang maaaring masdan Rehas ang katumbas ng ating pagibig, hindi pa malayang ipagsigawan Ako'y nananalig laya nati'y ibibigay sa panahong wala ng alinlangan
0
Aug 19, 2020
Aug 19, 2020 at 9:59 AM UTC
Pangarap Muna
Ang lahat ay lilipas din Katulad ng panahong hindi napapansin Sulat sa aparador na nilimot din Katulad ng pangakong binitawan din Mga kaibigang lumisan din Para sa bagong buhay na haharapin Mga ala-alang kalilimutan din Sa bawat pag ikot ng araw at bituin Ang lahat ay lilipas din Maging ang luha mo sa dilim Ang lahat ay lilipas din Maging ang taong ikinaiingatan din Ang lahat ay lilipas din Maging ang mga nakakauyam na suliranin Ang lahat ay lilipas din Maging mga pangarap sa ilalim ng bituin Ako may lilipas din Sa ala-alay nagdaang parang hangin Akoy napapagod na rin Sa daigdig na abala sa iba ang tingin -JGA
0
Jun 25, 2020
Jun 25, 2020 at 12:30 AM UTC
Lilipas din
Naranasang maghintay Nang walang inaantay Sa mailap na pag-asa Natuto paring umasa Tadhana ko'y pinigilan At nalagay sa pagitan Ng saya at ng lungkot Ng tuwid at baluktot Ng mali at ng tama Ng buwan at ng tala Ng gabi at ng araw Ng ligaya at panglaw Ng laya at ng kulong Ng sigaw at ng bulong Ng bitaw na o kapit pa Ng laban lang o suko na Magkabilang mundo Pagitan sana'y maglaho Magtagpo na nawa Bago pa magsawa
0
Jun 4, 2020
Jun 4, 2020 at 4:37 AM UTC
Pagitan
Sa unang pagbukas ng aking mga mata Umagang asam ikaw sana ang kasama Lungkot man ang hatid ikaw sa aki'y malayo Tiwala ang tangan ikaw ma'y nasa ibayo Tiwalang sa dulo ng aking paghihintay Mamahalin kita hanggang ako'y mahimlay At kung papalaring muli ka nang makapiling Salamat sa tiwalang nagpatibay sa atin
0
May 17, 2020
May 17, 2020 at 10:13 PM UTC
TIWALA LANG
Sa aking isipan, ika'y aking kapiling Sa aking gunita, alaala mo'y hiling Ngunit sa'n ako huhugot ng alaala Kung sa langit kasama ka na ng mga tala Hindi man lang kita nasilayan Mukha mo ay hindi rin namasdan Bisig ko ay hindi ka nabuhat Init mo'y di ko manlang nadama Ano kaya ang himig ng iyong pag iyak? Musika ba sa akin ang iyong halakhak? Maliliit **** kamay, nais kong hawakan Habang mga titig mo'y di pakakawalan Sa diwa ko'y yakap yakap kita Habang ako ay may heleng kanta Sa gayon sa iyong mga labi Mayrong hatid na maamong ngiti Aking anghel, dito sa puso ko Mananatili bawat pintig mo Dito sa aking diwa at isip Habang buhay kitang iuukit
0
Jul 12, 2019
Jul 12, 2019 at 2:52 AM UTC
Inukit kong Anghel
11 years, I am cursed from stagnated love and direction 11th day of December a man with moon and stars on his head broke my curse by persuasion 11th hour of this day we become one in mind, body and soul by affection ...His moon is now my moon ...His stars are now my stars
0
Dec 31, 2018
Dec 31, 2018 at 10:31 AM UTC
11.11.11
Ano ang mayroon ka? Bakit labis kitang sinta? Lahat sa iyo ay payak Ngunit ang dating mo'y may sapak Dito sa aking puso Hindi ko maitanto Makasama ka nawa ng habang buhay Pag tama ko sa lotto ikay aking ibabahay
0
Jun 24, 2019
Jun 24, 2019 at 9:57 AM UTC
Manalo Lang Ako Sa Lotto
Yung akala **** itinakda Akala mo'y importante Hindi naman permanente Yung akala **** itinadhana Wari mo'y mahalaga Bakit naging pansamantala? Hindi ba dapat ay pang habang buhay at hangang sa kabilang buhay? Ang pagmamahal kapag nakatakda Ang pag ibig kapag nakatadhana Hindi  mababawasan Hindi mawawala Hindi na lamang akala Hindi na rin pakiwari Dahil hindi mangungupas
0
Jun 27, 2019
Jun 27, 2019 at 10:51 AM UTC
Sabi ng Lolo ko
Every night at 3 o'clock I wake without fail To recall my dream of wearing immaculate veil You approach me with loving gaze, it feels heavenly My soul leaps with joy, and my heart beats insanely But then I remember, everything's just a dream Tears starts flowing uncontrollably like a stream I love you with a love that's better be hidden I can't stop nor fight love, even it's forbidden In this real world, I want to spend my life time with you But time can only give us meager and few I want to touch you, hug and kiss you openly But my expressions of love should be kept only I want to shout, let everyone know how much I love you But I can only whisper to the moon and stars that I do Hold on my love...our time will come to be in the open If not in this lifetime...I will find you again...and make it happen
0
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 8:04 AM UTC
HID
Kumusta mga kabataan Na pag-asa bayan, Ano ang dahilan Aral ay napabayaan? Isip ay nalason Ng banyagang layon Alisin ang tuon Sa aral ng nayon Nasaan ang tinig Ng tunay na pag-ibig Sa bayang natitigib Ng mapanirang bibig? Tila ba nakalimot Puso ay ibinalot Sa bagong aral na pulot Nagmistulang mga salot Walang pagmamahal Bayan na ng mga hangal Nasan na ang dangal Na turo ni Rizal? Halika na't magising Simulang tanawin Ang nagdaang ningning Ng Araw at Tatlong Bituin! JGA
0
Feb 20, 2019
Feb 20, 2019 at 7:50 PM UTC
Sa Aking Mga Kakabataan
Nuon, di ko pansin liwanag ng buwan Dulot na payapa sa kalawakan Wala ngang dahilan upang mabatid Kung bakit s'akin tila nakamasid Hangang isang araw may isang ginoo Pilit sumasagi sa aking puso Liwanag nya'y yakap sa aking diwa Payapa nyang hatid, halik na may tuwa Ohh Ginoo... Wangis mo'y buwan, nagiisa sa langit Tanglaw sa mundong may dilim at pasakit Wangis mo ang buwan sa payapang dinudulot Ako'y napaibig ng walang pahintulot Dasal ng puso sa kabilang panig Sa iisang buwan tayo ay tumitig Kung tunay nga ang pag ibig, saksi sya sa atin Buwan ang sasagot kung ikaw ay para sa akin Ngayo'y alam ko na bakit buwa'y nakamasid Upang pag ibig mo sa aki'y maihatid Sabay nating tanawin buwang magiting Upang ating pag ibig ay umigting
0
Dec 31, 2018
Dec 31, 2018 at 10:15 AM UTC
WANGIS MO'Y BUWAN
Sa Isang Pitik ng Daliri Lahat ay para bang binawi Ang haliging pilit binuo Ng tapang, tibay at tipuno Sa paniwalang angking tatag Kahit kay kupido di natinag Sa isang pitik ng daliri Sa puso ko ikaw na'ng naghari Napuno na ng agam agam Aking isip at pakiramdam Sa utak ko'y hindi maaari Ngunit puso! Ano ang nagyari? O tadhana labis namang nagbiro Damdaming  ito nais nang isuko Ngunit ngiti mo lang kahit palihim Labis nang pasalamat ng taimtim Bawat sulyap mo'y may bahid ng langit Naway sa sunod yakap mo'ng makamit Sa isang iglap ng orasan Ganap ngang d ko inasahan Tinanggap mo aking pag ibig Puso't isip walang maikabig Laman ka ng aking panaginip Sagot ka sa aking pagkainip Sa isang pitik ng daliri Panaginip...naging kakampi Panaginip ang tanging paraan Masilayan lang iyong daanan Sa panaginip, aking hiling Makasama ka sa aking piling
0
Dec 31, 2018
Dec 31, 2018 at 10:20 AM UTC
ISANG PITIK
Dumating ka sa buhay ko ng hindi ako nakahanda Ni hindi ko inaasahang  mayroon pang nakatakda Akala kong wala na, ngunit humabol pa ang tadhana Pag ibig mo'y wagas, ang wika mo sa harap ni bathala Nagagalak ang aking puso na may halong pagkagulat Ang iyong tagong pag ibig sa wakas iyong siniwalat Pagmamahal na tila sa mundong ito hindi nagmula Pag ibig na wari ko nga ay galing sa ibang planeta Ang kagulat gulat, kaya ko palang magmahal higit sa akala ko Pagmamahal na magagawa kong ihinto ang lahat, para lang sa iyo Gusto ko sanang ipaalam, ipagsigawan at ihiyaw sa buong mundo Na ikaw ay akin at akin lang sana, ngunit maaaring dulot ay gulo Natuto tuloy akong sumigaw ng pabulong Hanggang kelan ko kaya kakayaning bumulong Ang pag ibig ko ngayon tila ay hindi makasulong Ang katagang "mahal kita", tila presong nakakulong Sa ngayon, ang alam ko, NGAYON ang mayroon ako Hindi ko nga alam kung anung bukas mayroon tayo Sa ngayon, ang ngayon lamang ang pinanghahawakan ko Yung ngayong minamahal kita at mahal mo rin ako Yung ngayon na naririto ka sa buhay, sa puso, at isip ko Yung ngayon na sa iyo lamang umiikot ang buong buhay ko Kumikislap ang mga mata at ngumingiti ang mga labi Na para bang sa mga pangarap ay may bukas na hinahabi Sa aking pangarap ang lahat lahat sa iyo'y akin Mula anino, pati iyong diwa'y aking angkin Ngunit paano kung ako'y magising na, lahat magwawakas Ikaw rin ba'y nangarap na para bang tayo'y mayroong bukas? Ang tunay daw na pag ibig ay hindi mapag ari Paano ang gusto kong ika'y aking gawing hari? Nais ko'y akin lang, ang iyong ngayo't iyong bukas Sana'y akin ka hangga't ako'y mayroon pang lakas Darating ang panahon, tayo'y magwawalay Sa oras na yan mundo ko'y malulumbay Sadyang kailangan ko nga lang tanggapin Ika'y hindi kayang tuluyang maangkin Ganap ang dusang nasa akin Dahil ikaw ang aking hangin Ang aking araw, aking langit Aking tala at buwan sa dilim Oo't may dahilan kung bakit ngayon tayo pinagtagpo Kung anumang dahilan isipin pa ay nakakahapo Ni hindi nga natin alam kung hanggang kailan ito Ano kaya bukas? Ikaw pa kaya ay naririto? Alam kong kahit kailan, hindi mangyayari Na sa aking pagtanda, ikaw ang aking hari Ikaw ang kapiling, kamay mo ang aking hawak Aalalay s'aking tungkod, lalakad ng malawak Pakinggan na lamang sana ang aking pangako Kasal-kasalang pauso ay aking inako Wala man tayong mga saksi Basbas ng simbahan o pari Di man nakasuot ng damit pangkasal, wala rin ako pati mga abay Galak ay lubos parin kung ikaw ang kaagapay Ako'y handang maging sa iyo, sa abot ng aking gunita Maging kalaban ko man ang lahat, dahil sa aking panata Akoy gagawa ng altar na aking sarili Upang sa aking bibig sumpa ay mamutawi Pangakong ikaw lang ang mahal sa habang buhay Hanggang sa dumating aking araw ng paghimlay At kung sakaling akoy mabigyan, ng pagkakataong muling mabuhay Kahit sa ibang panahon, hahanapin ka ng puso ko ng walang humpay Upang taimtim na panatang binitawan, ay maisakatuparan Pag-ibig na walang hangganan, pagmamahal na walang katapusan
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 4:21 AM UTC
PANATA NG BALIW NA PAG-IBIG

Continue reading...
64
Umaapaw ang puso ko Sa pagibig na alay mo Kalakip ng aking halik Sinulid ang ibinalik Aanhin ko ang sinulid? S'an ko ito isisilid? Bakit dulo lang ang hawak? Saan ang kabilang hatak? Ano ang nais **** itakda? Ikaw ba ay may iniakda? Aanhin ang sinulid? Tastas ba aking damit? Ako ba ay magtatahi? Seda ba ang ihahabi? Magluto nga'y di ko magawa Magtahi't humabi pa kaya? Sa aking pangungulit Sagot ang iyong hirit Sa iyong winika Ako'y napayapa "Sa tatahakin ng ating pagiibigan Tyak masalimuot ating pagdaraanan Agam agam ay pawiin Pagaalala ay hawiin ....Dahil ang dulo ng sinulid AKO ang may tangan"
0
Dec 31, 2018
Dec 31, 2018 at 10:36 AM UTC
SINULID