Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ipipinta sa sahig ang mga  rosas at hihigaan upang malaman ang pakiramdam na maihagis sa kaniyang dibdib Sa matamis na ngiti na nang-aakit Lahat kayang ibigay kahit na higit pa kaysa pag-ibig Para maipabatid ang katindihan Ang pagsasanib ng di katanggap-tanggap na uri ay wala na makapag-aalis Dininig ang pakiusap Katawan ay instrumento Tinubuan ng sungay gaya ng kambing Kinain ang liwanag ng araw upang makipaghasik ng lagim Ito'y sariling imahinasyon Gaya ng nalalapit na paggunaw ng mundo sa tuwing may eklipse Haharanahan nang dumungaw at mahinhin na hilain ang kurtina Kung maririnig ang boses niyang malambing Makukumpleto ba ang araw at habang-buhay alalahanin? Nanakawin ang sandali sa palatakdaan ng oras? Sumpain na lang, sapagkat pinairal ang kapusukan Paulit-ulit na dinarasal hanggang sumigaw Kung hindi ibibigay ay tatalikod Makipagsanduguan sa pulang hari Binigo ng sentro ng daigdig kaya ayaw na maglala ng susunod na panahon Sa hungkag na kalawakan Nabubulok ang katuturan Ang malumanay na  pananalita ay nagmamaliw
0
Dec 27, 2018
Dec 27, 2018 at 7:16 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #32

Written by
23/M/Antique
Dec 27, 2018
Dec 27, 2018 at 7:16 AM UTC
Request permission to use this poem