Ang tema sa tulang ito ay nagsisimula sa ikaw at ako
Para saan pa ang memorya nating dalawa kung kakalimutan din naman kita
Para saan pa ang libong lakad kung hindi naman ikaw ang kasama
Para saan pa ang kantang ginawa kung ang tugtog kong ikaw ay wala
Para saan pa ang letrang isinulat kung pangalan mo'y di maibigkas
Sa tatlong daang animnapu't limang araw na nakilala ka, asan ka na?
Para tayong pares ng tsinelas, isang sukat, isang kulay
Pero para saan pa kung kapares ko'y di ko na makita
Magagamit pa ba?
Para saan pa ang isinulat kung ang tema nito ay wala na?
Sa bawat letra sa tula ay ilang beses akong nagmakaawa
Sana bumalik ka
Pero ang tanging sagot ay
Para saan pa?
(Ngayon ang tema sa tulang ito ay di tungkol satin o sayo kundi sa nag iisang ako.)
Nov 21, 2018
Nov 21, 2018 at 2:39 AM UTC