Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Hindi ka bibiguin ng mga pakpak na ito Itawid mo man ang sarili sa dagat at mga ulap Hampasin man ng hangin at alon ang iyong mga bagwis Ay hindi ito bibitaw at hindi papalya Dadalhin ka pa sa kataas-taasan Kung saan mas matatanaw ang asul na tubig At mga berdeng lupain Kung saan ang init na binibigay ng sinag ng araw ay mas matindi Kung saan malaya ka Kung saan sa wakas ay malaya ka na
0
Oct 4, 2018
Oct 4, 2018 at 8:51 PM UTC
Malaya

alittlebitofeverything
Written by
Oct 4, 2018
Oct 4, 2018 at 8:51 PM UTC
Request permission to use this poem