Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Lumayo kana sana, Sa mundong ito Kalahati ng mga hiling sa tala, Ay ang mawala ka At ng sana'y makahanap na ng kapayapaan ang iyong nabiktima Ikaw, ikaw yung tipong makasarili Na kahit ano nalang ang iyong kinukuha, bale wala na kung anong possibleng mangyari Biktima mo’y walang pili Sa mga mata mo’y para kaming mga pera Naghihintay na magamit pambili Ikaw yung tipong nakakadismaya Isa kang bagay na walang ibang dala Kundi kapahamakan ng iba At kalungkutan na habang buhay ay di mawawala Bawat binitawang salita May katumbas na kapalit ng iba Bawat yakap nilang madarama Isang bagay na naman ang mawawala Halaman, aso, pusa, bata, matanda lahat ay walang kawala, Lahat kami ay maaaring ma biktima Sa inihandog **** mga parusa Kahit ano pang kweba ang mapagtaguan sa mga kamay mo kami ay bihag pa Ngayon, naranasan ko na ang mapalapit sayo Ang landas natin ay pinagtagpo Sa oras na di ko inaasahan Pero bat kailangan mo pang idamay ang mundo ko
0
Aug 14, 2018
Aug 14, 2018 at 9:17 AM UTC
Kamatayan part.1

Written by
16/M/Cagayan de oro city
Aug 14, 2018
Aug 14, 2018 at 9:17 AM UTC
Request permission to use this poem