Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Paikutin mo ako, Sa iyong palad, Sa iyong mundong walang ibang alam kung hindi ang itago ako Hindi para maging yaman, Kung hindi itago ako sa salitang "akin ka lang". Akin ka lang, pero ikaw kahit kelan hindi naging akin lang. Pero ako, sayo lang. Paikutin mo ako, Sa iyong mga salita, Sa iyong mga ginagawa. Ikulong mo ako, sa rehas ng pag-ibig na Hindi pwedeng maging tama, Sabihin mo, nasaan ang susi na magpapalaya sa matagal mo ng kinukubli? Mga pakiramdam na hindi masabi-sabi, Tinago mo ng matagal, Hindi mo sina alang-alang Saan mo sinisilid ang iyong nararamdaman? Sa kanya? Sa kanya. Nasa kanya ang susi ng iyong kalayaan Ngunit nasa akin ang susi ng iyong kaligayahan. Na sa dilim mo lang nahahawakan. Nasisilayan. Nalalasap. Sa dilim lang pwedeng magtama ang mga pinaniniwalaan nating tama. Sa dilim na kapag pinasukan ng ilaw, Maglalaho ng parang bula. At ang salitang ikaw, ako ay tuluyan ng mawawala.
0
May 3, 2018
May 3, 2018 at 6:00 AM UTC
Current Event

khat_R
Written by
34/F/Philippines
May 3, 2018
May 3, 2018 at 6:00 AM UTC
Request permission to use this poem