Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Hinaharap, tadhana, Kinabukasang sino ang maygawa? Ano nga bang napapaloob, Sa bugso ng damdaming may kidlat at kulog. Lahat, balot ng katanungan, Lahat, di nauunawaan, Lahat, walang kasiguraduhan, Mistulang ang lahat pagsisisihan. Nakakatakot nga namang magkamali, Mapait, mapupuno ka ng pighati, Masusugatan, manghihinayang, Sasabihing “kung di nalang sana nagpakamang-mang”. Kabalighuan ba ang magbakasakali? Ang paghingi sa’yong kamay ay isa bang pagkakamali? Pagmamahal sayo’y di ba nagbunga ng maganda? Damdamin ko ba’y nagpagulo sa isip mo sinta? Ikaw ang nakakaalam nyan, Ikaw, ang iyong puso’t isipan, Ikaw ang magpapakalma, Sa unos na kasalukuyang rumaragasa.
0
Mar 27, 2018
Mar 27, 2018 at 7:49 PM UTC
Ano nga bang itinakda?

taltoy
Written by
25/M
Mar 27, 2018
Mar 27, 2018 at 7:49 PM UTC
Request permission to use this poem