Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
taltoy
taltoy
25/M Matalinhaga't isip-bata
Isang silid na walang laman, Madilim, puno ng katahimikan, At ang lamig na mararamdaman, Sa loob ng apat na sulok ng kawalan. Alam kong wala itong pinagkaiba, Sa "Ako" na iyong nakasama, Sa "Ako" na iyong nadama, Sa "Ako", na umihip sa ating mitsa. Isang paalam, At walang katapusang "patawad", Dahil ako ang unang bumitaw, Nang walang kamalay-malay. Ako'y walang kamuwang-muwang, Na ang init ng damdami'y nawala, At iniwan kang nanginginig, Sa pagbisita ng amihang malamig. Binuo mo man ang aking palaisipan, Pinunan mo man ang mundo kong kulang, Binigyang sagot ang napakaraming patlang, At sa iyong paglisan, di ka kayang pigilan. Sa sinapit mo'y walang hustisya, Nakita ko mismo, at nitong mga mata, Na 'di na 'ko nararapat para sa iyo sinta, Na 'di na tahanan ang pusong alab ay wala.
0
Nov 3, 2023
Nov 3, 2023 at 12:04 PM UTC
Hungkag
Isang mababaw na bokabularyo, Mga simpleng kahulugan, Bawat araw, umiikot sa isang siklo, Ano nga ba ang hangganan. Alin nga ba ang totoong pagkatao, Ano nga ba ang mga hinaing at gusto, Ano ba ang mga inspirasyon, Ano ba ang aking layon. Malalim na bangin, Binabalot ng dilim, Ako ba ay naliligaw, O paglisan ay ayaw. Habang tumatagal, Nawawalan ng saysay, Nawawalan ng pananaw, Nawawalan ng kahulugan. Tingin ko ako'y mababaw, Mula sa malayong tingin, Baka nga totoong mababaw, Subalit sa sarili'y nagsisinungaling.
0
Aug 9, 2021
Aug 9, 2021 at 8:28 AM UTC
Mababaw
Sa dilim at tahimik ng silid, Tunog ng malamig na ihip ng hanging dumadampi, Sa mga pader na nakapaligid, Isip koy nakahimlay, nakakubli. Ipinipikit ang mga mata, Sinusubukang sumisid sa dagat ng antok at pahinga, Subalit hindi malunod itong kaluluwa, Ayaw lumubog,  umaangat nang kusa. Kay raming palaisipan, Kay raming katanungan, Kasagutan, hindi kailangan, Panahon ang may alam.
0
Aug 8, 2021
Aug 8, 2021 at 4:25 PM UTC
Sa Lamig ng Umaga
damdaming 'di maipinta, 'di mailarawan sa isang blangkong lona, samu't-saring emosyon, walang katumbas na reaksyon. pabalat ay natumbok na, heto, magtatapos na, ang tayong dalawa, ang binuo nating istorya. sa kabila ng lahat ako'y masaya, lalo na sa mga mapapait na alaala, dahil sa mga aral na napulot mula sa kanila, isang yamang sa aki'y walang makakakuha. sana'y mahanap mo ang iyong kasiyahan, ang sayo'y magmamahal hanggang katapusan, dahil kahit wala na tayong dalawa, minamahal pa rin kita.
0
May 1, 2020
May 1, 2020 at 11:19 AM UTC
Untitled
gusto ko lang magsulat ng tula, gusto ko lang, gusto ko lang sabihin na... gusto ko lang sabihin na sana nandito ka. sana nandito ka sa tabi ko, dahil namimi-miss ko na ang mga yakap mo, sana, sana nga talaga, para masabi ko muli sa'yong mahal kita. mahal kita, at walang mag-iiba, pupwede bang pumunta na sa hinaharap? upang mapakasalan ka, upang tuparin ang mga pinapangarap? sana ang tayo'y maging totoo, sana ang tayo'y di na magbago, sana hanggang huli, mananatili, paghanga, pagtingin, pagtibok, pag-ibig.
0
Mar 10, 2020
Mar 10, 2020 at 9:04 AM UTC
random moment #1
Di naman masama, Ang mga pinagdaanan, Sana kahit papaano, Kahit papaano ika'aking napasaya. Haaaays, nakakalungkot isipin, Na heto na, umabot na sa puntong, Tila bibigay na tayong dalawa. Wala naman tayong magagawa, Kung di na nga talaga natin kaya. Para saan pa nga ba't naging tayo, Kung di naman natin mahal ang isa't-isa. Tinanong ko ang aking sarili, Kung bibitawan na ba kita, Sabi ko, di ko alam, Hanggang ngayon ako'y naguguluhan, Baka nga para sa ikabubuti nating dalawa, Kaya, kaya, kaya ika'y palihim nalang na mamahalin aking sinta, Subalit sa puntong ito, Paalam sa "tayo" nating dalawa.
0
Nov 15, 2019
Nov 15, 2019 at 8:02 AM UTC
Wakas(?)
Pagitan ng ikaw at ako, Sabi ni google 620 na kilometro, Ilang araw ba yan sa barko? Ilang oras ba yan sa eroplano? Nakalulungkot isipin na malayo, Mahirap magtagpo, Ngunit pag-asa'y di maglalaho, Isang nais na sana'y di mapako. Sana'y ako ay nandyan, Kahit sandali lang, Ilang oras lang, pwede na yan, Gusto ko lang makipagkulitan. Haaaays, Parating naaalala tuwing nag-iisa, Iniisip, sinasabi tatlong salita, Sana'y kasama kita.
0
Aug 18, 2019
Aug 18, 2019 at 3:33 AM UTC
SKK
Ako'y nalulumbay na sa iyo, Gusto ko nang mahagkan ang mga pisngi mo, Gusto ko ring hawakan ang iyong mga kamay, At sa pag tulog ay ika'y makasabay. Miss na kita, Pwede ka bang makita? Miss na kita, Pwede ka bang makasama?
0
Aug 17, 2019
Aug 17, 2019 at 7:07 PM UTC
MNKPKBM
Ano na? Ano na? Ano na ang susunod? Saan ba? Kailan ba? Bat parang nalulunod? Ako'y walang nagawa, Bulag na nanonood, Walang kwenta, basura, Nakatulala sa pagtama ng kulog. Nakakapanlumo pero anong magagawa, Tapos na, nawasak na habang nakatulala, Huli na ang lahat, paano masasagip, Huli na ang lahat, huli na nga ba ang lahat?
0
Mar 14, 2019
Mar 14, 2019 at 6:38 AM UTC
Nanggagalaiti sa sarili
pinilit kimkimin, ngunit di napigilan ang damdamin, isip ay napuno ng sana, sana ako nalang ang gumawa diba? ako nalang, ako nalang sana, di na sana ako umasa pa, ngunit tapos na ang lahat, wala na tayong magagawa kapag ang nandyan ay salat.
0
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 5:10 PM UTC
kaya pa ba?