Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
041217 Hindi ko alam kung ilang beses ba nating Pipiliting basahin ang mga palad ng bawat isa. Na minsang inakala nating hinulma para sa isa't isa Na minsang binigkas natin ang "mahal kita." Marahil kaya tayo'y naudlot ng Tadhana noon Di lang dahil hindi tayo handa Pero dahil hindi natin makakayang tumayo sa kanya-kanyang pananampalataya. Ilang beses kong ipinagdasal na Bawiin ka na lang Niya ulit Di kasi tayo nakalulugod sa Kanya Parang wala na rin akong maharap sa Kanya. At yung mga bagay-bagay na noon binitiwan ko na -- Ngayon, mas lalo lang lumala Mas lalong di ako makawala Kasi nagpapagamit tayo sa sariling kagustuhan. Kung ganito ang pag-ibig, Gusto ko na lamang huminto Hindi kita sasarhan ng pinto Talagang sa mga oras na ito'y hindi lang akma ang "tayo." Magbibilang na naman tayo ng iilan pang mga araw At buwan o panibagong taon na naman Pero sana sa pagkakataong ito, Hayaan na nating itama Niya na ang lahat.
0
Nov 8, 2017
Nov 8, 2017 at 8:05 AM UTC
Udlot

psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
Nov 8, 2017
Nov 8, 2017 at 8:05 AM UTC
Request permission to use this poem