Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Bakit nga ba tayo sumusugal? Sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan. Sa mga bagay na di natin hawak ang kalalabasan. Bakit nga ba tayo sumusugal? Sa mga bagay na gusto nating makamtan, Pero sa bandang huli ay pwede tayong masaktan. Bakit nga ba tayo sumusugal? Kahit alam na nating wala nang pag-asa Ay pinipilit pa rin nating umasa pa. Bakit nga ba tayo sumusugal? Kailangan pa bang idilat tong mga mata, Para lang mamulat sa katotohanan? Bakit nga ba tayo sumusugal? Kahit alam natin na tayoy pwedeng mabigo, At masaktan ang buo nating pagkatao? Kasi mas iniisip natin ang posibilidad Na tayoy maging maligaya, Yung ramdam mo ang tagumpay, Yung abot mo na ang pangarap mo sa buhay. Kung di ka susugal, Kailan pa? Kung di ka susugal, Talo ka na.
0
May 2, 2017
May 2, 2017 at 12:33 PM UTC
Bakit nga ba tayo sumusugal?

jethro-nhero-cuizon
Written by
25/M/Filipino
May 2, 2017
May 2, 2017 at 12:33 PM UTC
Request permission to use this poem