Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ikaw na babaeng sumasayaw sa dilim, Ikaw na nakakapit sa patalim: Di ba nasusugat ang porselanang palad Na kasing lambot ng puwit ng sanggol? Sa matalim na kutsilyong kinakapitan Ano mang oras hahatulan ng lipunan? At sa higpit ng piring mo sa mata, Pasasaan pa't mabubulag ka na Ikaw na babaeng gumigiling-giling, Iba't ibang laway ang pinanghihilamos gabi-gabi Ang sugatan **** puso'y walang gamot Ngunit ang kandungan mo'y sagot Sa mga problema ng mga lalakeng– Naghahanap ng panandaliang saya. Ikaw ba, babaeng hubad, Naranasan mo na ba ang lumigaya? Kumusta na ba ang anak mo sa una **** nobyo? Balita ko'y di ka na niya kilala. Hindi ba't may tatlo ka pa sa probinsiya Na pinagkakasiya ang padala **** barya? Naalala mo ba ang bilin sa 'yo Ni Karla na siyang una **** bugaw? "Huwag **** bigyan ng puwang sa utak mo Ang sasabihin ng Inay mo. Sasampalin ka niya, di ng palad niya, Kun'di sakit na dama ng isang Ina. At iyon ang pinakamasakit Sa lahat ng puwedeng sumakit." Ilang ulit mo na bang tinanong ang sarili Kung saan ka nagkamali? Kung ilang liko ang ginawa Para mapunta sa hawlang 'sing dilim ng kuweba Na pinamamahayan ng mga paniking Takot sa liwanag na magpapakita ng mga galos Na bunga ng mga gabing kinukurot ang sarili, Tinatanong, hinihiling na sana'y bangungot lamang Ang buhay nila sa dilim, Pasasaan pa't nasanay na rin. Ikaw na isang mabahong lihim Ng mga mister na may misis na bungangera Ha'mo na't sa iyo naman sila panatag Sa mga suso **** malusog, pinili nilang humimbing. Ikaw na pantasiya ng karamihan, Ano ba ang pakiramdam ng pinagsasalsalan Ng mga nagbibinatang hindi pa tuli, Ng mga lalakeng di kaya ang presiyo mo, O ng matandang libog na libog sa mabango **** kepyas Ngunit nanghihiram ng lakas at tigas sa ****** Saan ka na ba nakapuwesto ngayon? Sa Malate, Morayta, Quiapo, o Aurora? Ilan na ba ang napuntahan mo? Ilan pa ba ang bibiyayaan mo ng iyong alindog? Sa Makati Ave, Pasay, o sa Parañaque? Ha'mo na't langit pa rin naman ang dala mo Kahit na alam ninyo ng Diyos Na nakaukit na ang pangalan mo sa impyerno. Ikaw na babaeng walang pangalan, Ano ba ang itatawag ko sa 'yo? Ilan na ba ang nahiram mo sa tabloid O sa mga artistang iniidolo mo? Kathryn, Julia, Nadine, Meg, Yen, Anne Yna, Katya, Ara, Cristine, Kristine, Maui Daria, Pepsi, RC, Susan, Gloria, Lorna, Aida, Fe Vilma, Sharon, Nora, Maricel, Dina Ikaw na babaeng 'sing nipis ng balat ng sibuyas ang saplot Di ka ba nilalamig sa pag-iisa mo? Ikaw na babaeng marumi, Sadsad na sa lupa ang lipad, saan ka pupunta? Wala ka nang kawala sa dilim, Pasasaan pa't malalagutan ka rin ng hininga at magpapasalamat sa biyaya. Ikaw na babaeng bukod tangi, Ginawa **** lahat pero hindi naging patas ang mundo. Lunukin mo na lang ang mga hibla ng pagsisisi Ipagdadasal kong huwag nang magdilim sa hawla mo.
0
Mar 21, 2017
Mar 21, 2017 at 9:21 AM UTC
Babae Sa Dilim

jandeluy
Written by
Mar 21, 2017
Mar 21, 2017 at 9:21 AM UTC
Request permission to use this poem