Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
gagawin kong orasan ang bawat tibok ng puso ko habang nag aabang sa pagbalik mo sa bawat araw, minuto, segundo pikit puso sa pag-ikot ng mundo gagawin kong kalendaryo ang aking bawat hininga habang umaasang sasaya pa sa bawat buwan, taon, dekada pikit utak akong iibigin ka asan ka nga ba? aasa pa nga ba? kung bawat luha'y sa hangin nilista nakikita pero walang halaga asan ka nga ba aasa pa nga ba? kung bawat sigaw ay buntong hininga narinig pero lumipas na wag mo na intidihin, wala kang dapat gawin nasisiraan lang ng bait, di na dapat pansinin malalaman ko din kung ano ang gagawin sa kanluran ang araw ay sisikat din
0
Feb 7, 2017
Feb 7, 2017 at 1:14 AM UTC
Kanluranin

marlonf1
Written by
Feb 7, 2017
Feb 7, 2017 at 1:14 AM UTC
Request permission to use this poem