Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
marlonf1
marlonf1
One day, all of these will be music.
SOUL DANCE HEY GIRL ARE YOU FREE TONIGHT? IF WE LEAVE NOW WE CAN MAKE THE FLIGHT OH YOU MAKE MY SOUL DANCE NO, THIS TIME LET ME PAY FOR SEATS YOU KNOW I'M HAPPY WHEN YOU'RE IN A BLISS OH YOU MAKE MY SOUL DANCE YOU MAKE MY SOUL DANCE I'M NOT LEAVING ANYTHING TO CHANCE LET'S GO WHEREVER DESTINY RUNS 'COZ GIRL YOU MAKE MY SOUL DANCE HEY BABY WILL YOU GO TONIGHT? IF I'M ALONE I CAN'T WIN THIS FIGHT OH YOU MAKE MY SOUL DANCE OH YOU MAKE MY SOUL DANCE OH YOU MAKE MY SOUL DANCE OH YOU MAKE MY SOUL DANCE OH YOU MAKE MY SOUL DANCE
0
Nov 12, 2019
Nov 12, 2019 at 6:05 AM UTC
Soul Dance
The 13th says that everyone is free No slavery for you, and me But something between those lines Criminality, and power lies You’re free unless convicted But the locks for these chains are fake No matter what color or race The deciding people are corporate Now you have my attention Welcome to the birth of a notion A reckoning of epic proportions Welcome to the birth a nation We’re all prisoners in a way or another I need not explain any further Brother, father, locked up in chains Walls of deception, a means to an end Now you have my attention Welcome to the birth of a notion A reckoning of epic proportions Welcome to the birth a nation How do we break free from this life? How do we run? How do we break free from these rocks? How do we run? How do we break free from this life? How do we run? How do we run? How do we run? How do we, run?
0
Apr 26, 2018
Apr 26, 2018 at 12:28 AM UTC
B.O.A.N
Kaya ko'ng ipinta gamit ang mga salita Buhok mo, ngiti, at ang 'yong buong mukha Gagamitin, salitang pag-ibig, at ganda Ipipinta kita gamit ang alaala Kulang ang kulay at linya Parang nagpipintang ilaw lang ay kandila Bawat subok na lumikha Kulang ang lahat kung ika'y wala Mara... Tumitigil ang mundo sa'yong tawa Mara... Di natatapos ang saya pag katabi ka Gagawa ako ng kantang base sa 'yong larawan Gamit ang tawa **** naka ukit sa'king gunita Bawat galaw **** di ko mabilang Pano ba titimbangin ang tuwa? Kulang ang bilang at tugma Parang sumasayaw na parehas kaliwa Ang paa,puso, at kaluluwa Kulang ang lahat kung ika'y wala Mara... Tumitigil ang mundo sa'yong mga mata Mara... Di natatapos ang saya pag kayap ka Mara... Tumitigil ang mundo sa'yong mga mata Mara... Di natatapos ang saya pag kasama ka Nabulag sa tinig... Takot nang umibig... Nabulag sa tinig... Itikom ang bibig.
0
Feb 19, 2018
Feb 19, 2018 at 1:22 AM UTC
Mara
Your eyes melt my soul. I could look at you forever, and feel completely at home. Your smile is my all. I want to be with you forever, like I'm a statue made of stone. Your laughter plays my favorite song. I want it in me forever, like all my blood and bones. So I'll keep these words in a string, and hope someday you'd sing, these words back at me, and we'll decide what the rest will be.
0
Dec 26, 2017
Dec 26, 2017 at 8:22 PM UTC
Joyce
Kathang-isip na nagsimula ng paglalakbay. Bawat pahina ng buha'y hinubog ng sabay. Ika'y anghel, bumababa, at sinagip ang mundo kong pariwara Ipangako na hindi ka mawawala Lahat ng salitang binitawan Na walang makikilalang sinoman Na magbabago ng nilalaman Ng aking puso at isipan Pero andito na tayo Hinarap ang mga bagyo Lindol, baha, at delubyo Andito pa rin tayo Hawak, mahal... Humawak ka't tayo'y maglalakbay Hawak, mahal... Patungo sa habambuhay Pero andito na tayo Hinarap ang mga bagyo Lindol, baha, at delubyo Andito pa rin tayo Hawak, mahal... Humawak ka't tayo'y maglalakbay Hawak, mahal... Patungo sa habambuhay Hawak, mahal... Humawak ka't tayo'y maglalakbay Hawak, mahal... Patungo sa habambuhay
0
Sep 25, 2017
Sep 25, 2017 at 1:20 AM UTC
Hawak, mahal.
Ito na naman tayo Nagbabatuhan ng mga salitang walang bilang Ito na naman tayo Magkaaway kahit masaya kanina lang Ito na naman tayo Hindi magkasundo pag magkalayo Ito na naman tayo Nauubosan na ng dahilang manuyo Ito na naman tayo Pag-ibig nga ba o sitwasyong magulo Ito na naman tayo Punitan ng puso
0
Sep 21, 2017
Sep 21, 2017 at 10:40 PM UTC
Punitan ng Puso
Katarungan nasa'n? Inapakan, dinuraan Ng mga taong niluklok para paglingkuran 'Tong bayan nating lubog, at dugoan Magkano? Sanlibong baryang dinumihan Libong buhay ang tinapos, musmos, at mga naghihikahos Mga nanay na nawalan ng anak, mga batang di pa tapos Droga? Talaga ba? Ang sabi mo ay kayang-kaya? Tatay Digs, pano na? Bat biglang 'di pala kaya? Sanlibong tanong sa bawat buhay na binawi Diyos-diyosang maitim ang budhi Bata, matanda, babae, estudyante Nanlaban daw, kaya niyaring nakatali Bayan kong minamahal, dito na lamang ba? Naka duct tape ang mukha ni inang hustisya May dyaryo, at may nakapaskil na larawang 'WALANG HUSTISYA, WAG TULARAN'
0
Sep 12, 2017
Sep 12, 2017 at 8:20 AM UTC
Sanlibo
i 'Di ko din alam, baka ang mga mata mo lang Singkit, at sing rikit ng bituing nag ngingitian 'Di ko sigurado, baka ang ngiti mo lang Totoo, at puro pag sinasabing 'ayos lang'. 'Di ko din masabi, baka ang mga kilay mo lang Na nagkakasalubong pag may ginawa 'kong katangahan. 'Di ko pa din mawari, parang ito'y 'di maari Anghel sa kalangitan nasa 'king tabi. Sana'y di matapos, araw ay laging kapos Oras na kasama ka, sa kaluluwa ko'y haplos Tawa, ngiti, at ang pagmamahal mo sa kanin Kasiyahang 'to 'di ko akalain
0
Sep 5, 2017
Sep 5, 2017 at 8:41 PM UTC
i
Mag kwento ka Handa naman akong makinig Mag kwento ka Kahit luha'y dumilig Dun ka mag umpisa Kung pano mo sya nakilala At ikwento mo Kung gano kayo kasaya Mag kwento ka Handa naman akong makinig Mag kwento ka Kahit luha'y dumilig Ngayon ikwento mo Kung pano tayo natapos Ngayon ikwento mo Bat pinagpalit sa kanya Sandali, kailangan ko yata isang bote pa.
0
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 12:04 PM UTC
Kwento
Kalabit, Takbo Kakahiwalay lang ng buwan sa kalangitan Disoras ng gabi, di pa 'ko naghahapunan Kinailangan magtrabaho, kakasara lang ng tindahan "Mamang Pulis, magandang gabi, anong inyong kailangan?" Akbay, "may itatanong lang", aking narinig Hindi ko na malaman, bat biglang nanginig "Utoy balita namin ikaw ay sangkot" Niyakap ng kaba, hinaplos ng takot Pagsigaw na walang kinalaman Suntok, sipa, mura ako'y pinaliguan "Tama na po, may exam pa kinabukasan" Animo'y mga bingi, mga kampon ng kadiliman Kasalanang di ko alam pilit pinaako "Mag uuwi ako ng pansit" kay bunso ko pinangako Ngunit bilang na pala ang oras ko Dalawang segundo, ang narinig ko lang ay "Kalabit, takbo"
0
Aug 20, 2017
Aug 20, 2017 at 10:34 AM UTC
Kalabit, Takbo