Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
wala naman makapagsasabi, kung kelan matutupad ang tunay na pangarap     nalalaman mo pa ba kung ano ang binubulong ng puso?     hinde pa ba ito natatabunan     ng alaala ng kahapong pinagmulan?     nais kong umangat mula sa putik na aking minana:     ambisyon ang umuudyok     pagkatotoohanin ng kasiyahan, ang bawat layaw ng laman     na tulak ng mundo     pabilis nang pabilis ang ikot     habulin man     unahan man     kelangan pagbayarin     bawat hubog sa atin ng tinaguriang     collective consciousness     nang kung sino man matalinong tumawag dyan,     dyan! mapangahas na pangngalang marangal!     sino ba ako pag humiwalay ako sa collective consciousness na yan?     anong napala ko dyan, itinulak ako     (di kayat, nagpatuak ako?)     patungo sa isang kanto nyan     dahil kelangan kong sundin     ang moralidad     ang paniniwalang     gawa-gawa rin lang     ng aking kapwa     hinde ko tinatakbuhan     ang aking     social responsibility     na syang dinikta na lipunan     na dapat akong kumayod at tuparin     ang oblgasyon ko sa kanya     no.     ang tinutukoy ko     ay ang binubulong     ng bawat saloobin     natabunan na ito     ng sigaw ng damdamin     sinong makakapagsabi     kung kelan matutupad ang pangarap?     ito ba'y aking hahabulin     pipilitin     paglalabanan     sa hilaw na panahon?     (tulad ng sigaw ng damdamin     na tumilapon sa akin?)     ang bulong ng saloobin     hinuhukay ko pa     ito'y nasa ilang     lantang lanta na ako     binging bingi     ngunit naririnig ko pa     sinasakop nya ako     umaasang bubuhayin ko muli.
0
Jun 6, 2016
Jun 6, 2016 at 1:00 PM UTC
no translation provided

m-g-hsieh
Written by
Jun 6, 2016
Jun 6, 2016 at 1:00 PM UTC
Request permission to use this poem