Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Karapatang Ari 2016 WMSU MABUHAY ESU DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW Kung isa-isahin ang nangakaraan Simula no'ng ika'y aking niligawan Hanggang sa dumating ating hiwalayan, Maikuk'wento ko ng walang alangan. Unang kita palang, napaibig ako Sa isang babae at Nimfang tulad mo; Puso ko'y nahulog ng di napagtanto, Siguro'y pakana ito ni Kupido. Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?" Ako'y napatigil nang dahil sa gulat Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap, Aking itinugon isang tango't kindat. Nang ako'y lumabas na sa isang silid Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit; Ako ay nalumbay sa nasahing pilit Ano't ang tadhana ay nagmamalupit. Gusto ko pa namang ika'y makilala Paanong nangyari't agad kang nawala, Hindi tuloy kita natanong o sinta Sa iyong pangalan na pang-engkantada. Aking inusisa ang aking sarili: "May pag-asa pa bang makita kang muli? May tadhana kayang magtatagpo uli Sa ating dalawa kahit na sandali?" Hanggang isang araw, nang aking makita Iyong kaibigang naglakad mag-isa Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka. Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña, Ang buong pangalan ng aking kasama. Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan Habang naglalakad sa tabi ng daan Hanggang sa dumating ang aming usapan Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han. Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba, Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?' Sagot ko'y mistula isang tugong parsa, Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!' Imbis na makuha, siya ay natawa At nang tanungin ko'y naging sagot niya: "Subukan mo nalang ang ligawan siya At baka maantig, batong puso niya. Ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng isang siyota, pagkat umaambon ang pangarap niyang gustong maisulong ang makapagtapos at ang makaahon." Pagkasabi niyon, ako ay nangusap: "Diyata't parehas kami ng pangarap, Kapwa puso namin ay nangangagliyab Sa iisang nais na para sa bukas." Nagpatuloy kami sa aming usapan Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam. "Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan," Wika ko nang siya'y tumawid sa daan. Nagpatuloy ako sa aking paglakad Hanggang sa marating ang nagliliwanag nating pamantasang nagtatahang huwad ng dunong at puring nanahanang likas. Nagdaan ang gabi't umaga na naman Pagsulat ng tula'y aking sinimulan, Yaong tulang handog sayo kamahalan Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan. Ang iyong pangalan ang naiititik Niyong aking plumang espadang matulis; Ang tinta ay dugong may hinalong pawis Nitong aking huli't wagas na pag-ibig. Ngunit sa kabila, niyong aking katha Aking nalimutan ang lahat ng bigla Maging pangalan mo, sintang minumutya Kung kaya't nagtanong uli ang makata. "Siya ang babaeng aking naibigan," Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran Nang ika'y nakitang naglakad sa daan Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan. At nang naguluha'y aking itinuro, Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo; Si Jesang huwaran ay parang kabayo, Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo. Agad kang tinanong sa iyong pangalan Katulad ng aking naging kautusan. Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman Di mo man lang ako nagawang balingan. Nang aking tanungin si Jesang huwaran, Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan, Kung ano ang iyong tunay na pangalan: "Devina Mindaña," kanyang kasagutan. Hindi lumalao't hindi nakayanan Ng puso kong ito, ang manahimik lang; Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan, Kahit hindi pa man kilalang lubusan. Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan, Gusto kong magtanong, pero di na lamang; Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan At bago aalis ay iyong duraan. Subalit, lumipas ilang linggo't buwan Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan; Insidenteng iyo'y di ko malimutan, Malamyos **** tinig, aking napakinggan. Nang ako'y tanungin sa aking pangalan, Sa telepono ko'y sagot ay Superman; At nang mukhang galit, agad sinabihang, "Huwag kang magalit, ika'y biniro lang." Agad kong sinabi ang aking pangalan Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan: "Si Donward po ito," sabi kong marahan, Pagpapakilala sa 'king katauhan. Patuloy ang takbo ng ating kuwento, Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo, Sa papasukin kong isang labirinto; Sa isang kastilyong nasa iyong puso. Hanggang isang gabi, mayroong sayawan, Napuno ng tao ang gitnang bulwagan; Ang aking sarili'y hindi napigilan Na ika'y hanapi't maisayaw man lang. Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta, Ang aking nasahin ay naglahong bigla; Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna, Ay hindi na lama't ako'y nababakla. Aking aaminin ang kadahilanan, Takot na talaga ang pusong iniwan Na baka lang uli't ito ay masaktan Tulad ng sa aking naging kasaysayan. Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos At baka pa tuloy yaon ay mapaltos; Ang mabulilyaso'y mahirap na unos Nitong aking pusong may panimding lubos. Akin pang naitanong sa isang pinsan mo K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo At kung maaaring ikaw ay masuyo, Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!' "Huwag ikagalit kung ika'y tanungin," Sabi ng pinsan **** maalam tumingin Di sa kanyang mata na nakakatingin, (Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin). Aking naging tugon doon sa kausap, Yaong binibining aking nakaharap: "Hindi magagalit itong nakatapat Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat. Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi Ang ibig itanong na nangagsumagi Sa kanyang isipang lubhang mapanuri, Ang kanyang hinala ay ibinahagi. "Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim? Huwag **** itago't ng hindi lusawin Ang laman ng puso at iyong pagtingin Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!" Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot Tanong niyang sadyang nakakapanubok At ipinagtapat yaong aking loob Ng walang alanga't maski pagkatakot. "Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim, Subalit paanong siya'y maging akin Gayung tingin pala'y akin ng sapitin, Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?" "Di ko masasagot ang 'yong katanungan," Naging tugon niyong butihin **** pinsan, "Tanging payo ko lang ay pahalagahan, Huwag pabayaa't siya ay igalang." Aking isinunod nang kami'y matapos Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus; Agad kong sinabi habang napalunok Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok. Imbis na tugunin yaong aking pakay, Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay Dalawa kong mata sa kanilaynilay Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay. Aking iniisip sa tuwi-tuwina Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina; At ang hinihiling sa bantay kong tala, Hihinting pag-asang makapiling kita. Kaya't hindi ako nakapagpipigil, Iyong aking loob na nanghihilahil Aking inihayag sayo aking giliw Ng walang palaman at maski kasaliw. Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka Papuntang simbaha'y sinusuyo kita Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama Kahit hindi alam ang gagawin sinta. Bago nagsimula ang misa mahal ko, Ang aking larawa'y iniabot sayo; May sulat sa likod, sana'y nabasa mo, Yaong pangungusap ay mula sa puso. Di kita nakitang ako ay nilingon, Sapagkat atens'yo'y naroong natuon Sa isang lalaking pumasok na roon, At sayo'y tumabi hanggang sa humapon. At nang nagsimula'y umalis na ako, Pagkat ako itong walang sinasanto; Baka tuloy ako magsasang-demonyo Sa aking nakitang katuwaan ninyo. Hindi ko malaman kung bakit sumakit, Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?; Ano nga ba ito't tila naninikip? Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit! Napaisip ako habang naglalakad Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag; 'Manibugho sayo'y hindi nararapat,' Napatungo ako sa sariling habag. Ilang saglit pa at akin ng pinahid Luhang sumalimbay sa pisnging makinis At saka nangusap ng pagkamasakit: "Wag kang mag-alala't di ko ipipilit." "Itong pag-ibig kong nagniningas apoy, Nasisiguro kong hindi magluluoy; Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy, Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!" Nang ako'y magbalik doon sa simbahan, Sa dami ng tao'y di kita nasilayan; Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an, Naroong Devina't kinaiinisan. Nanatili ako't hindi na umalis, Di tulad kaninang lumabas sa inis; Ako'y umupo na at nakikisiksik, Kahit patapos na ang misang di ibig. Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon; Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon, Pagkat ako itong walang panginoon. Araw ay lumipas mula ng masuyo, Ika'y sinubuka't nang hindi malugo Itong aking pusong namalaging bigo Sa loob ng dibdib, namugang tibo. Iyong naging tugon ay nakakapaso, Masakit isipi't maging ipupuso; Yaong tumatama'y animoy palaso, Narok sa dibdib, sugat aking tamo! Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko, Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho; Kaya't wag isiping ito'y isang laro, Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro. Hanggang sa dumating gabing aking asam, Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan Ay iyong inamin ang nararamdaman, Ating tagpong iyo'y di malilimutan. Ipinagtapat mo na ika'y may gusto, Ngunit di matugon itong aking puso, Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko. Aking naging tugon sa iyong sinabi, Ay handang maghintay at mamamalagi Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli, Makita't malamang di na nakatali. Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci; Ako'y natigilan ilan pang sandali, Nang aking matanaw, gandang natatangi. Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo, Sa hinaraya kong dakilang palasyo, At sa lilingkuran tayo ay naupo, Niyong maliwanag, loob ng himnasyo. At nang magsimulang musika'y tumugtog, Ika'y namaalam at para dumulog doon sa bulwaga't makikitatsulok, ng sayaw sa indak dulot ng indayog. Bago pa marating ang gitnang bulwagan, Ako'y sumunod na't di ka nilubayan Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan Na maisayaw ka at makasaliwan. Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit, Ang araw at linggo'y tila naging saglit; Ako'y nagtataka't biglang napaisip, Ano at ang oras ay mukhang bumilis. Hanggang isang gabi nang aking tanungin, Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin; Hanggang kailan mo pagdudurusahin; May pag-asa pa bang nadama'y diringgin? Iyong naging sagot sa katanungan ko: "Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo." Ang rurok ng saya ay aking natamo, Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako. Sa kadahilanang gustong masiguro, Aking naitanong kung iyo'y totoo; Baka mo lang kasi ako'y binibiro, At kung maniwala'y sugatan ang puso. Iyong ibinalik, ating gunitain, Doon sa manggahan 'sang gabing madilim; Ipinagtapat mo ang iyong damdamin, Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin. Pagkat mayroon kang sintang iniibig, Iisang lalaking namugad sa dibdib; Di mo maloloko't iyong inihasik Sa paso ng puso't bukirin ng isip. Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin, Na ating pag-ibig, manatiling lihim; Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin Pagkat aking isip, gulong-gulo man din. "Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?" Ang muli kong tanong, bago naniwala Sayo aking mahal na isang diwata, Yaong aking ibig at pinapantasya. Iyong naging tugon sa aking sinabi: "Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi; Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte, Baka may iba ng pinipintakasi." Agad kong sinabi sa iyo mahal ko: "Ano at kay daling ikaw ay magtampo, Nagtanong lang nama't ako'y naniguro Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro. Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit, Unang araw natin ay lubhang mapait, Pagkat di nakayang ako ay lumapit, Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit. Ilang sandali pa't hindi nakatiis, Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis ng landas patungo kay Musa kong ibig, pagkat aking puso'y lubhang naligalig. Muli kang tinanong kung pasya'y totoo, Di na mababawi't di na mababago; Iyong naging tugon sa katanungan ko, Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.' Kay sarap marinig, salita **** iyon, Iisa ang punto at maging ang layon; Para bang lagaslas ng tubig sa balon, Ibig kong pakinggan sa buong maghapon. Matapos ang pasko'y siyang araw natin, Na kung gunitai'y araw na inamin, tinugon ang puso at binigyang pansin, at saka sinabing, ako'y mahal mo rin. Aking gabing iyo'y narurok ang saya, Ngiti niyong buwa'y nakakahalina; Ibig kong isulat ay isang pantasya, At ikaw Devina, yaong engkantada. Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag, Ano at ang oras tila naging iglap; Siyang araw natin ay muling lumapag, Ano at ang panaho'y tila naging lundag. Iyong regalo mo'y hindi malimutan, At maging pagbating ibig kong pakinggan, Sa bawat umagang araw'y sumisilang At kung maaari'y mapawalang-hanggan. Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo, Naging malungkuti't di na palakibo; Puso ko'y mistula isang boteng tibo, Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo. Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako, Talaga nga kayang tapat ang puso mo?; Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo, Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito? Ilang araw kitang hindi tinawagan, Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam; Malakas kong loob ay di nilubayan Ng kapighatia't maging kalungkutan. Tayo nga'y mayroong isang kasunduan, Di maikaila't sinasang-ayunan Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan, Alalahanin **** ako'y nasasaktan. Ako'y wag itulad sa makinang robot Na di nakaramdam maski anong kirot; Ako ay may pusong nakakatilaok, Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok. Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan, Ika'y kinausap at pinagsabihang: "Sakaling darating ating hiwalayan, Huwag magpaloko sa kalalakihan. At saka-sakaling sayo'y may  manligaw, Isipin mo muna't wag agad pumataw; Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw, Ang iyong salita, nang di ka maligaw." Unang halik nati'y hindi malimutan, At kahit na yao'y isang nakaw lamang, Pangyayaring iyo'y di makaligtaan, Naging saksi natin ay ang Taguisian. Tila ba talulot ng isang bulaklak Labi **** sa akin na nangangagtapat; Animo'y pabango yaong halimuyak, Ng iyong hiningang sa halik nangganyak. Ika-labinlima, araw ng Pebrero, Hindi malimutan ating naging tagpo; Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo, Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso. Ako'y isang taong lubhang maramdamin, Ang hapdi at kirot siyang tinitiim; Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin, Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling. Kaya't nang makitang may kasamang iba, Marahang lumason sa puso ko sinta Ay ang panibugho't sakit na nadama; At para maglaho, alak ay tinungga. Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso, Akin pang naalala pagbisita sayo, Sa inyong tahana't mapayapang baryo, Nagmano pa ako sa ama't ina mo. Ibig kong ang lahat ay di na magtapos, Masasayang araw nating lumalagos Sa isip, sa puso't maging sa malamyos, Na kantahi't tulang aking inihandog. Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw mula nang makita't sa inyo'y madalaw ay isang mensahe ang lubhang gumunaw sa aking damdami't marahang tumunaw. Animo'y balaraw yaong tumatama, Nang ang mensahe mo ay aking nabasa; Gusto kong umiyak, gusto kong magwala, Ngunit, anong saysay gayung wala na nga? Kung isaulan ko itong aking luha, Masasayang lama't walang mapapala; Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa, Wag lamang masadlak yaong pagdurusa. Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta, At ang saktan ako'y ikaliligaya Aba'y payag ako't ikaw na bahala, Basta lang ang akin ika'y liligaya. Kay sakit isiping tayo ay hindi na, Ngunit, kung ito man ang itinadhana, Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta, Di makakahadlang sa ibig sumila. Mahal ko paalam sa ating pag-ibig, Mahal ko paalam, kahit na masakit; Mga alaala'y huwag ng ibalik, Burahin ng lahat sa puso at isip. ~WAKAS~
0
Jun 5, 2016
Jun 5, 2016 at 8:37 PM UTC
Kay Devina

Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
donward-canete-bughawd2
Written by
Jun 5, 2016
Jun 5, 2016 at 8:37 PM UTC
Request permission to use this poem