Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Kahapon, noong gabi Noong tulog ang mga ibon Noong umiiyak ang mga tala Dama ko ang iyong hiwaga Ako ay iyong minasahe Tila binugbog na sibuyas Mga kamatis na nagdurugo Palihim mo akong niluto Dahan dahan ang haplos Mula apoy hanggang upos Dala ko ang mga pasa Ultimo mga halik na basa Mura lang ang aking binayad Dumukot sa butas na bulsa Dinig ko hanggang kusina Ang tawag ng aking sikmura
0
Oct 9, 2015
Oct 9, 2015 at 11:32 AM UTC
Sigarilyo

Demm
Written by
Oct 9, 2015
Oct 9, 2015 at 11:32 AM UTC
Request permission to use this poem