Miss na miss na kita Ang aking minamahal Nang parang ito'y sugat Basag na salamin sa sa aking paa
Nang nawawala ka Ay dinulot ng tuwa Kalungkutan, mabigat na bulsa At notebook na puno ng tula at minsan pera
Noon ubos ang pera sa aking bulsa Piso, rosaryo, medalyo at picture mo Ngunit ngayon ay idinulot mo ang sakit sa bewang Parang may UTI o palo ang iyong dala
Bulsa, pantalon at zipper Kinalimutan mo na ba? Kung gaano katagal na tayo magkasama? O minamahal ano pa ba?
Mamatay lang ako huwag lang mahulog ang aking pantalon Buhat ang labing limang taon ng pagsasama Sinturon, nasaan ka na?