Ang patatas Ay walang kakupas-kupas Masasabi ko 'to ng walang kahiya-hiya Dahil maaari rin itong panggalingan ng enerhiya
Kinakain ng walang-wala At itinuring na walang mapapala Sa buhay na punong-puno ng oportunidad Pero ito'y ginalaw ng abusador at ito'y binaliktad
Ang patatas ay kayang gawing baterya Ayon sa agham at katotohanan At kapag pinagmasdan ay kaaya-aya At maaaring gawing simbolo ng kahirapan
Ngunit hindi ko naman minamaliit ang mahihirap Dahil ayon nga sa agham ay ito'y isang enerhiya Di lamang para makapag-pagana ng teknolohiya Ngunit para harapin ang hinaharap
Ang ugat nito'y nagmula sa bigbig ng dalawa At ito'y isinagawa ng mga daliri't nagpalawa