Ako’y isa lamang pinuno, Gumabay sa isang hukbo. Oras ay itinataya upang magturo, Upang bigyan ng kaalaman ang mga pribado.
May mga taong gusto akong tularan, Mga nasa ikatlong taon ng paaralan. Tungkulin ko sila’y turuan, Upang sila’y magkaroon ng kaalaman.
Mga COCC kung sila’y tawagin, Lahat sila’y may sinusunod na tungkulin. Mga katulad ko’y dapat sundin, Upang makamit nila ang kanilang hangarin.
Meron akong isang CO na nakilala, Pansin ko’y kanyang nakuha. Hindi ko maipaliwanag ang kanyang ganda, Lagi nalang sa kanya ang aking mga mata.
Ang ibigin siya’y isang bagay na bawal, pagkat posisyon ko’y pwedeng matangal. Ito’y aking gagawan ng paraan. Kahit ito pa ang batas ng paaralan.
Tinataguan ko ang aking Commando, Upang makipagkita sa giliw kong CO, Tinutulungan din ako ng kaibigan kong pribado, Na umiibig naman sa isang pinuno.
Bakit ganito nalang ang pag-ibig, Palagi nalang may humahadlang sa paligid. Hindi ba nila alam kung gaano kasakit, Ano ba ang kanilang naiisip.
Ang pamumuno ko ay pansamantala lamang, Ngunit pag-ibig ko sana’y walang hanggan. Huwag sanang masira ang ating samahan, O Aking Joana, hindi kita titigilan.