di sumasapit ang pagtulog sa isang kaluluwang sabik at di mapakali isang pusong ubod tiyaga ngayo'y balisang tumitibok sa kabila ng malumanay na pag patak ng ulan...
sa kaunting salitang nagbibigay kasiyahan parang simoy ng hangin, may mga dalang palamuti mga matatamis na pangako ng maluwalhating bukas, lumutang sa kapaligiran at binago ang malamlam na lagay ng kalooban. ang mga darating na araw ay muling yayabong.
isang kaluluwang hapong hapo di-inaasaha'y, napangiti sa unang pagkakataon mga matatamis na tunog ng mahihinang halakhak ay paulit-ulit na tumaginting sa kalaliman ng gabi.
itong di maampat-ampat na pananabik aking panalangin ay tuluyan nang pumayapa dito sa dilim, ako'y nakahimlay habang ang mga pangarap ng pag-asa ay alak na lumalasing sa aking pag-iisip. kasabay ng pagdatal ng madaling-araw, nabubuhay na lalo ang mga bagong isipin na lalong nagpapasigla sa aking utak...
mulat na mulat ang aking mga mata di na sasapit pa ang antok di na sasapit pa ang pagtulog...
::::::::::
(ENGLISH VERSION)
SLEEP DOESN'T COME...
Sleep doesn’t come To an eager, restless soul. A heart so patient now beats anxiously, Even with the gentle rhythm Of raindrops tapping.
With just a few satisfying words Sprinkled with whiffs of hope, So magical, A promise of a glorious tomorrow Floated in the air And altered the somber mood. The coming days are to flourish Once more.
Unexpectedly, A soul gone weary Smiled for the first time. The sweet sound of soft laughter Unheard in the still of the night.
This insatiable needing I pray, to be quelled soon.. Here in the dark, I lay awake, As visions of hope inebriate my mind. With dawn comes new ideas, Stimulating my brain even more..
.......my eyes are wide open........ .......sleep wouldn’t come at all……
Sally
Copyright 2014 Rosalia Rosario A. Bayan
*...another old poem, with an english and tagalog version...*