Lilingon-lingon upang makakuha Ng isang sulyap, isang silip Hanggang sa tinalikuran mo na ng Tuluyan Ang kalayaan At hinayaan mo ang sarili mo Na bumalik Sa selda na iyong pinanggalingan, nakasanayan
Pero hintay, hinto! Hindi kita papayagan na magkaganito Hayaan mo na yakapin kita ng mahigpit At pawiin ang mga luha sa iyong pisngi Wala akong mga karanasan at payo na pwedeng ibahagi Pero susubukan ko na Baliktarin ang iyong simangot sa isang ngiti Makatulungan sana nang kahit kaunti Sa mga sugat mo na humahapdi
Ilagay mo ang iyong mga kamay Sa akin Ikaw ay aking hahawakan, Hinding-hindi ka bibitawan Ikaw ay sasamahan lakarin Ang nakatakdang landas Na kailangan **** tahakin Sa dami ng mga lubak at lindol Siguradong tayo'y madadapa rin Pero huwag mo na 'yun isipin Kasi anumang mangyari Kahit kailan, kahit saan **Ikaw ay aking iibigin