Pinagtagpo tayo ng magkahiwalay At magkasikbay na lakbayin at Pagpapasya. Marahil, sansinukob na nga ang Unang nagparaya. Itinakda nito ang grabedad
Para tayo’y magsama bilang lumang pangako At bagong pag-ako ng pag-ibig, patungo sa layon at Realedad ng ating mga palad. Hindi ba’t tayo nga Ay kapwa mapalad? Dahil hindi sa ano mang
Sukat ng tagumpay ng buhay tayo nananahan At nananalig, kundi sa eternal na doktrina’t utos ng puso, Yaong ibinubukal ng wagas na pagsuyo, yaong kahit ang Oras ay mapaparam sa lingid na daigdig ng ating mga bisig.
This poem is dedicated to Dr. ROLANDO BERNALES, "in celebration of the 12th year of love and lifetime friendship" with his "one and only." Congratulations Sir, I wish both of you all the love in this world.
University of the Philippines---Diliman Quezon City, Philippines November 19, 2013