Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
6d
Handa na ulit tumaya
At magpakawala ng mga luha
Handa na ulit mawala
Kung ikaw ang kukuha
Gaano man kadilim ang gabi
Liwanag mo pa rin ang nakakubli

Ikaw ang pinakamasayang bagay
At pinamalungkot na bahagi ng buhay
Ang ngiti mo ang patuloy na umaakay
Sa aking pusong matamlay
Binubuhay mo ang bawat pintig nito
Pinabibilis mo ang bawat daloy ng dugo
Patungo sa pusong lunod at uhaw sa iyo

Handa na ulit tumaya
Kahit na madaya
Handa na ulit tumaya
kahit ang kapalit ay iyong paglaya..
blackrabbit
Written by
blackrabbit  25/F/Philippines
(25/F/Philippines)   
  559
 
Please log in to view and add comments on poems