Punasan ang luha sa iyong mukha, ika'y umapak sa lupa. Anak ng dukha, sa iyo ang bukas, ang kalayaan at pag-asa, sa kamay mo'y umaalab ang pag-ibig ng masa.
Buksan ang bibig, uminom ng tubig, butas man ang pag-ibig, paghihilom ay darating, sa iyo ang kapayapaan, hawak mo ang sandata ng tapang. sa iyo ang kapangyarihan, hatak mo ang tanikalang di kailanman mangangalawang.
Pagkahupa ng baha ay nasa iyong kamay at paa, ika'y lumakad, lumusong, lumikha. Anak ng hinirang na lupa, sa iyo ang kapatagan, karagatan, walang hanggang kalayaan, sa iyo ang kabundukan, kapuluan, wala nang hadlang sa iyong kaginhawaan at kinabukasan.