Muli tayong babalik sa simula Kung saan tayo’y dating tumubo.
Ang binhi ng pag-ibig Nadurog man ngunit may pag-asang muling mabuhay Hindi nagmamadali, Sapagkat ang mga sanga’t dahon Ay di bastang yumayabong.
Dadaan ang ulan, araw at panahon Na muling sa atin ay magpapalago Kung minsan nang natuyo at nasira Ang ating mga dahon at sanga, Ngunit naroroon pa rin ang puno.
Ngayon, magkasama, dahan-dahan At maingat na sisimulang muli.
Bunutin ang damo ng konsensya. Putulin ang sanga ng masamang nakaraan. Buhusan ng tiwala ang mga ugat. At pagyabungin sa lilim ng araw ang kapatawaran.
Darating ang oras Na sa bawat pagsibol ng bulaklak Sa bawat paglago ng bagong sibol na damdamin. Ang pag-ibig na tila isang puno Kung aalagaan, kailanman. Hindi basta matitinag.