Sa bubong ng gabi, humulagpos ang ulan, Parang lihim **** ‘di ko maintindihan. Bawat patak, isang alaala **** buo, Lumalampas sa basang baso ng puso.
May yelong humihinga sa aking baso, Pero ikaw ang lamig na ‘di maglalaho. Ang ulap nagbubuga ng tagay ng langit, Ngunit ikaw ang tama na ‘di ko ma-ipit.
Kalsadang basang nilakaran ng tanong, Puno ng kalansay ng ‘yong mga layong. Umihip ang hangin, nilunod ang ilaw, Pero ikaw pa rin ang lasong umaalab sa salawal.
Malakas ang ulan, kumakanta sa bintana, Pero ikaw ang bagyong may sariling tunog at drama. Hindi alak ang dahilan ng hilo kong ito — Ikaw 'yon. Sa'yo ako lasing. At buo.