Hello P**try
Classics
Words
Blog
F.A.Q.
About
Contact
Guidelines
© 2025 HePo
by
Eliot
Submit your work, meet writers and drop the ads.
Become a member
owt
Poems
Jun 22
"Maskarang Walang Mukha"
(Anino ng Gyera)
Namuong peklat ng kasaysayan
Ang bakas ay nanuot sa puso’t isipan.
Tatsulok na kalaban —
Walang korona, ngunit makapangyarihan.
Walang trono, pero hari-harian.
Timbangin ang yaman:
May bakal na paninindigan.
Mabigat na hidwaan,
Umiikot na katiwalian.
Tinatali.
Sinisindak.
Hinahati.
Nililinlang.
At ang takot ay anyong nananahan.
Ang mga sugat ay naghihintay madampian
Ng panatang nag-aapoy —
ngunit ang dulot lang ay usok at panaghoy.
Habang tayo’y nagsisisihan,
Sila nama’y nagngingisihan.
Ang “walang mukha”
Di mailarawan,
Nagtatago
Sa likod ng
MASKARA
Na ating kinamulatan.
Sinabit na MASKARA —
Karangalan — may dungis at mantsa.
Katotohanan — may luha.
Kalayaan — ngunit paralisa.
Katarungan ba o tanikala —
Para saan ang bomba at bala?
Sandata ba o sumpang ipapamana?
Kamatayan —
Hukay ang iniiwan.
At ang kahirapan ay libingan.
Kapayapaan —
Umaalingawngaw
Sa umuugong na katahimikan.
At ang lipunan...
Sa isang tabi —
Nalipon ng sakit,
At kasinungalingang
Nakakabingi.
~At kung patuloy natin susuotin...
Baka tayong lahat rin — ang biktima, at salarin.
Ito’y kathang-isip lamang —
walang tiyak na tama o mali.
#1
Written by
owt
Follow
😀
😂
😍
😊
😌
🤯
🤓
💪
🤔
😕
😨
🤤
🙁
😢
😭
🤬
0
63
Please
log in
to view and add comments on poems