Sa'twing gigising sa umaga pasalamat sa taas Kay God dahil binigyan ako ng panibagong lakas Ang diwa ko'y ginising mo 'di na ako aantras Kasi lagi ka nandyan kahit malamig o mabanas
Kaya halika samahan mo ako mag-almusal Kaning Sinangag, Kape, Itlog at Pandesal Busog na ako kaysa mga pagkaing mahal Mahalaga ang kalusugan para buhay tumagal
Kaysarap maligo tipong natanggal ang libag Magbihis ng damit at ako sayo'y mag hug Kapag sa byahe lagi akong mag ingat Alam ko sa paligid may panganib na kaharap
Sa bawat hakbang ng paa ang katawan ay umaangat Mga mata'y tumitingin sa kaliwa't kanan at sa harap Naglalakbay dala ang husay, talino at pangarap Ngunit 'di bitbit ang bag na may lamang negatibo at bad