Diwa mo'y magigising sa'king mga ilalahad 'Tila tulog ka pa pero ikaw na ay naglalakad Sabihin na nilang ito'y bad, Dios ko po! Oh My God! 'Di na namin iniintindi ang ganon, larga na kaagad
Pera ang kapalit sa katawan na hubo't hubad Upang pambayad ng utang nakalista sa yellow pad O kaya pambili ng gamit at pangarap na hinahangad Ngunit bakit ginagawa ito ng mga minor edad?
Dahil sa panahon ngayon mahirap ang maging mahirap Mas mahirap walang pambayad kaysa walang kayakap Kayakap nandyan lang pero ang pera hirap mahagilap Dahil ito ay mailap kailangan pa magsumikap
Bukod sa itsura kundi pera ang mahalaga Kahit mahal o mura papatulan yan ng iba May itsura nga pero wala naman pera, diba? Paano 'pag may anak na? Ano pagkain mo? 'Yong salitang "Mahal kita"
'Di sapat lang ang pagmamahal sa kumakalam na tiyan O uminom ng tubig at ihiga nalang kung saan Nang magdamag pero kumakalam pa rin yan Dahil sa kalye 'di karangyaan marami ang kalaban
Kahit minor de edad ako'y may dangal at dignidad Dahil sa hirap ng buhay ito ay nasasagad Gabayan mo ako aking God kahit medyo bad Sayo pa rin aking tiwala hanggang sa pag edad