Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun 20
🅸lang ulit nang umusal ng dasal ang hangin,
🆂a pagitan ng kupas na awit ng mandirigma’t alipin.
🆁umagasa ang anino sa lupa ng mga pangako,
🅰ng tinig ng kanyon, panibugho ang sinisigaw nito.
🅴wan kung sino ang tunay na may sala,
🅻ahat ay sugatan sa ngiting puno ng dusa.

🅸pinako sa krus ang silangan at kanluran,
🆁elo ng digmaan ay tila lalong lumalaban.
🅰ng mga hari’y nagkakasa ng lihim sa dilim,
🅽a para bang kapayapaa’y isang napudpod na      panaginip.
דוידסון סילבה דוראן
(M)   
Please log in to view and add comments on poems