Gigising nang maaga para sa palayan magtalok Kailangan na magtrabaho kahit pa inaantok Suot ang sombrelong dayami at jacket na manipis Sa matinding init ng araw kailangan magtiis Hila ang araro ng masipag na kalabaw Kahit ang nag aarya pati sa tubig ay uhaw Ang lupang matigas na kailangang matunaw Dapat ikaw ay malakas, dapat matindi ang galaw Tanging lugaw na bigas sa umaga ang almusal Para maging maputik hindi sapat lang ang dasal Kinakailangan ng lakas at tubig na galing taas Susuyurin ng wagas para mas maputik ang antas Yuyuko pa ng marami tapos bukas sakit ay lalabas Maghihintay ng ilang buwan para mabuo ang bigas Ganon kahirap ang dinanas bago bigas ay makain Pasalamat sa taas dahil tayo'y may pagkain
Talok dito, talok doon Sila sa palayan ay maghapon naroon "Bilad sa araw ay katawan" oo tama ka doon Para may makain ang pamilya at pangbaon Sa trabaho at eskwela papasok tiyan walang laman Pagbalik sa hapon isip mo tiyak iyan may laman Para may anihin at kainin pagsapit ng kinabukasan Sa pagtatanim ng palay walang punla sinasayang Bawat punla ng palay sa putik ay binabaon Bawat paa at mga kamay sa putik ay nakabaon Bawat pawis ng katawan sa damit ay naroon Bawat yuko ng katawan masakit iyon sa maghapon Bawat init ng araw sa likod ay nakakasunog Bawat patak ng ulan sa likod ay sunod sunod Pero wala silang pakialam kung balat ay masunog Basta ang mahalaga may makain bago matulog
Hindi biro ang buhay ng magsasaka, 'Di alam kung mayroon pa bang pag-asa? Sa mga tinanim na palay sa lupa ng iba Mula sa inaning palay mas kumikita ay sila Maswerte na kung may sariling lupang sinasaka Pero minsan malas pag dumadating mga sakuna 'Di mapakinabangan mga halaman hinintay ng mahabang panahon Bilang sukli sa kasipagan mga bunga sa putik ay nakabaon At ang nagpapahirap sa buhay ng magsasaka Sariling gobyerno na kulang sa suporta Mas tinatangkilik ang iba kaysa sariling saka Dahil ba magandang klase ang bigas nila? Mga dahilan kung bakit ganon, naiintindihan namin iyon Ngunit walang tulong mula sa agrikultura, 'wag naman ganon Oo masarap kainin ang bigas kahit walang lasa Pero maging magsasakang pagod na walang kita, nakakawalang gana
Sana madama niyo ang aming mga hinaing Sana sa ibang bansa'y ipagmalaki niyo rin Hindi lang sila magsasaka, sila'y bahagi ng ekonomiya Kaya suportahan pagdating ng sakuna at problema Hiram na ani yung iba para kumita ng pera At sa mata ng gobyerno sila'y itsapwera 'Di sapat ang tula para ikwento ang buhay ng magsasaka Sa mga taong walang suporta at 'di kayo kinikilala Hindi ko naranasan ang maging magsasaka Pero kaya kong gawing kanta mga ginagawa nila Gamit ang lapis at papel, kayo ang tema at beat Kaya makabuo ng kantang tagos sa puso at Bakit hinahangaan at pinagmamalaki kayo sa buong mundo? Dahil sa sipag at tiyaga, pasensya at ito pa masasabi ko Sa lahat ng magsasaka kahit mahirap ay kinakaya Saludo po ako sa inyo para sa akin sikat ka na