Maligayang kaarawan "Happy Birthday to me" Ihanda na ang pulutan, baso, yelo at empe Imbitado ang lahat pati ang mga LGBT Kahit walang pang regalo pwedi makipagparty Pero bago ang inuman ay ating pagsaluhan Ang masarap na pagkain dito sa hapag-kainan Mayroon cake, palabok at macaroni salad Lumpia at tinolang manok na may tanglad Dahil minsan lang 'to sa isang taon dumaan Kaya sulitin na ang handaan at kasiyahan Habang sinasabayan ng birthday song sa videoke Akin nang paputukin wine na nasa bote Kinabukasan maraming platong huhugasan Pero ang alak 'wag na nating ipagpaliban Kung sa babae, disiotso ang debuhan Pagsapit ng kinse, ako na ay twenty one
Ako'y bente uno na ang bilis ng panahon Parang kailan lang ano? Dumedede sa tsupon Gatas sa kahon 'pag madaling araw tinitimpla At ang iniinom na gatas ay mula pa sa ina Ako'y nag evolve sa itsura, boses at katawan Ang manuod ng bold ay hindi maiiwasan Uminom ng alak, magpausok ng sigarilyo, Kumain, koljak, magmahal at magtrabaho 'Di na natin magagawa 'pag sa mundo tayo'y nawala Kaya gawin ang nararapat habang may buhay pa Kahit ang oras at buhay sa mundong ito'y mahalaga 'Di natin alam kung kailan tayo mawawala Ako ang bida't kontrabida at tema sa aking kaarawan At wala ng iba kaya diretso lang ang kantahan 'Di na mahalaga kung gaano kagara ang handaan Mahalaga naidaos ng maayos at 'di nakalimutan
Sa paglipas ng panahon kasabay ng pagtanda Oras at lakas na naipon unti-unting humihina Ang dating mga kababata isa-isa nang nawawala Pagbabagong nagaganap dapat laging handa 'Di maikakaila isa sa mga the best na okasyon Ipagdiriwang ang kaarawan kahit saanman lokasyon Tawid dagat ang pagitan kahit walang imbitasyon Matikman lang ang pagkain iyon ang intensyon 'Di pa tapos ang misyon natira iyong balutin Kasama ang kutsara sa loob ng pagkain Lahat uuwing busog mula sa biyayang hinain Mahalaga nakatikim kahit walang regalo sa akin Madagdagan ng edad ay okay lang sa akin Dahil hindi ko naman kaya itong harangin Mabuti pa rin sa kapwa aking hangarin Para sa buhay lagi tayong pagpalain