Ginamit ko ang lapis at papel para sumulat ng tula Dalawang angel ng langit sa lupa'y bumaba 'Di para magwala kundi para magpa cute Sabi ng dalawa, "all good in the hood" Kapag nakita para bang pinagbiyak na buko Sa hugis at itsura ay 'di ka maloloko 'Pag terno ng suot lalong mas nakakalito Kahit 'di nakasakay sa roller coaster, mahihilo Nang magkaharap sabi ng isa "hala magkamukha tayo pre" Sagot naman 'nung isa "syempre kambal tayo eh" Ikaw aking kapatid, kaibigan at kumpare Hindi kita pababayaan anuman ang mangyari Kung saanman maparoon sa ibang lugar maglagalag Kung makita ng ibang tao daig pa ang banlag Sa kanilang kakulitan bigla nalang magpa hug Pero sa kadaldalan daig pa ang ogag
Dito sa second verse ang topic ay ganon pa rin Kung matulog ang twin, tahimik at mahimbing Pag sila'y nag alburuto ang tulog ay magigising Pero pag lumapit na sayo iyan ay malambing Kapag sila'y naglalaro sobra ang likot Dinaig pa ang laruan, de battery na robot 'Nung minsan ang laruan ay biglang nahulog Sabi ng kambal sa ina "Ma pwedi pasimot?" Laging terno ng suot sa'twing sila'y namamasyal Sabi ng tao nang makita "ang cute ng kambal" Pero sabi ng kambal naman kahit na nauutal "ang kapal ng ulap 'di makita ang bulkang taal" Kahit na nauutal at lagi pang nadadapa Pero nang matuto maglakad, ama't ina'y tuwang tuwa Kung dati ay gumagapang lang sila sa banig Ngayon ang bilis na nila maglakad sa sahig
Maraming nagsasabi na swerti daw ang twin Ang sabi ko naman "sana rin ako'y swertihin" Swerti nga sila pagkat bigay ng maykapal Kaya ginawa ko ang kanta dahil kayo'y special Kung baga sa dessert para kayong leche flan Cute and sweet twin renz, welcome to the clan Pangarap nila maging Chef at Businessman Mag-aral nang mabuti maabot niyo yan Sana kayo'y maging matalino, gwapo at maganda Maging malusog ang katawan hanggang pagtanda Sana matuwa kayo sa ginagawa kong kanta Renz Blake at Renz Blaze, Grulla Tutana