Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
May 21
Kung ang kapayapaa’y nasa hilaga
at ang sigalot ay nasa timog,
ngunit ikaw ay nasa silangan
at ako nama’y nasa kanluran,
pipiliin kong tumúngo sa hilaga.
Ngunit kung ang puso ko’y nasa karagatan,
at ang iyong kamay ay nasusunog naman,
kung ang aking mga liham ay maging abo
at ang aking mga tula’y itapon sa súpot,
upang mahawakan ang iyong kamay,
handa akong magliyab at masunog.
Louise
Written by
Louise  Philippines
(Philippines)   
  134
 
Please log in to view and add comments on poems