Minsan, may kaibigang nagsabi sa akin, “Mas mabuti talaga ‘pag nilalabanan ang sakit.” Taon ang lumipas, sinabi rin ng kaibigan, “Minsan mas mabuti na lang pag nilalabanan ang pagmamahal.” Hindi niya sinambit, hindi ng kanyang labi, ngunit alam ko rin naman ang kanyang ibig. Hindi ito pangangamba o pag-aatubili, sadyang kanyang dibdib ay hindi ko kabig. Bakit tila ganito ngayon ang radyo? Walang awit, tanging tinig. Bakit iba yata ang ihip at pihit nito? Walang tugtog, ngunit ang sambit; “Mabuti na rin pala na hindi ko nakita ang iyong mukha.” Walang kulog, ngunit may awit; “Maigi na rin yata na ako na ang bagong paksa ng luksa.”