Gabi-gabing tulala kakaisip sayo sinta Hindi nag dalawang isip kumuha ng pluma at tinta Kaya idaan ko nalang sa tula Na baka dito na ko mag sisimula
Sa totoo lang, sa tuwing ika’y sinisilayan ko Hindi ako papayag na walang papuri ko para sayo Kung malaman mo lang yung totoo? Hay nako paano mo ba mapapansin ‘to
Pero eto lang yung daan na naiisip ko Masabi lang yung totoo na kaya ko Kaya kong sabihin sa harap mo Lahat ng gustong sabihin ng puso ko sayo
Kaya isang araw, wag ka sana mabigla Na lahat pala ng tula na aking ginawa Ay para sayo lang wala ng iba, nawa’y maniwala Eto nanaman ako nag papaka-makata
Makatang halatang-halata sa mga tula Sa mga kilos at mga sinasabing salita Hanggang dito nalang muna At bumalik sa pagkatulala