Hindi ko naman talaga gustong pumunta, ang kaso ay sumagi sa aking isipan na baka naroon ka. Kaya tinalo ko pa ata si flash sa bilis ng pag sakay ko sa sasakyan, tapos Ikaw pa ang naiisip kahit hindi komportable sa upuan dahil sa malubak na daan. Hayaan mo na ang mahalaga makikita na kita, pag labas ko palang sa kotseng aking binabaan, presensya mo agad ang aking nais na maramdaman. Hindi makapaniwala nung ika'y sumulpot sa aking harapan, ay pasensya dadaan ka pala at ako'y nakaharang. Saiyo lang naman ang tingin ko, ilalabas ang kamerang dala ko, mag kukunwaring may kinukuhaan ng litrato, subalit saiyo mismo nakatutok ito. Halos ma-baliw ako nang sumulyap saakin ang mga mata mo, hindi ko rin inakalang mahuhuli mo ang nakaw tingin ko. Siguro nga'y nahihibang na ako sapagka't tila nakain ko lahat ng paro paro, kaya't nung marinig ko ang pag kanta mo, tila mga nag wawalang nakakulong sa priso ang nang gugulo sa tiyan ko. Masyado ata akong halata sa pag papapansin saiyo, pero hayaan mo naβminsan lang naman tayo mag kita kaya sinulit ko na, sana may susunod pa, susunod na mag tagpo ang ating landas.
-Nakaupo sa sofa habang kumakain ng corn beef at umiinom ng gatas